"No! You can't come here! No! I told you I'm fine!" Band pactice at kumpleto ang grupo. Nasa studio kami ni Vlad at binubuo naman ang kantang isinulat ko na may pamagat na "Please Stay". Lumabas saglit si Aspen dahil may tumawag sa cellphone nito at kahit na ilang beses nito iyong babaan ng tawag ay ring pa rin ng ring iyon. Sa tingin ko ay very urgent ang gustong sabihin ng tumatawag sa kanya kaya hindi nito tinigilan si Aspen. Si Tanya nanaman kaya? "You know what, Andy? you made us all surprised na nakaladkad mo ngayon si Aspen. Ilang practice sessions na ba yan siyang absent? Tell me. Ano pinakain mo jan?" curious na tanong ni Jim na wari ay nanunukso. Marahil ay iniisip nito na nagkakamabutihan na kami ni Aspen dahil kalmado ito at super focused sa kantang tinatrabaho namin ngayon

