"How is Andy?! How is she?!" Hakos patakbo kong sinalubong ang doktor. Wala na akong pakialam kung hindi ko agad napunasan ang mga luha sa aking mukha sa sobrang pagmamadali kung ano na nag kalagayan ng aking fiancee. "Please tell me she will be fine!" Hindi makapag-salita ang doktor at sa expression ng kanyang mukha ay pakiramdam ko'y pinanawan ako ng lakas sa buo kong katawan. "She only has two days to live..." Two days... Naramdaman ko agad ang mga kamay sa aking balikat at alam kong si Jim at Mark iyon. Umalingawngaw naman ang iyak ng ina ni Andy habang yakap-yakap siya ng Tito. Si Maya naman ay napaupo na lamang sa sahig at tulala. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang nararamdaman kong sakit. Para akong mababaliw... hindi ko ito kaya... hindi...

