Kausap ko si Xhey para sa plano kong pag-propose sa kanya nang lapitan ako. Nagka-tinginan kaming dalawa ng lumingon ako. Umalis na kaming dalawa nagsabi ako sa manager ko na aalis na kami ni Alenah. "Ingat, bukas ulit huwag ka na tumakas." sabi ng manager ko sa akin. "Okay," sagot ko alam niya ang plano ko sa girlfriend ko tumango lang siya. Nasa byahe na kami nang magsalita siya habang nagmamaneho ako. "May lakad ka ba?" tanong niya sa akin. "Wala," iling sagot ko sa kanya. "Gala muna tayo," pag-aaya niya at sumandal siya sa balikat ko. "Ayoko," sagot ko saka mabilis na nag-drive para makauwi kaming dalawa. "Bakit?" tanong niya bigla sa akin. "May pupuntahan ako," sagot ko sa kanya. "Saan ang punta mo?" tanong niya sa akin. "Sa mall show ako pupunta," kaila ko na lang para ma

