Kinabukasan Nakatanggap ulit siya ng sobre sa pag-uwi niya sa condo niya at sinabi niya 'yon sa akin. "Sino ka ba talaga?" nasabi ko na lang habang papasok ako sa loob ng kwarto ko. Nag-aalala ako para sa kanya kaya nagpaalam ako sa manager ko na may pupuntahan ako naiwan siya sa bahay namin na nagtataka ang hitsura. "Bakit nandito ka may susi ka, hindi ba?" sabi niya nang buksan ng maluwag ang pintuan niya. "Okay ka lang?" tanong niya sa akin nang lapitan niya ako hinawakan ang mukha umiwas naman ako ng tingin. "Oo," sagot niya sa akin at umiwas siya ng tingin bumalik siya sa kwarto niya para magbihis. "Naiwan ko sa bahay ang duplicate key na binigay mo kaya nag-doorbell naalala ko na lang nang pa-byahe na ako," sabi ko. "Nag-doorbell ka na lang sa pintuan dahil naiwan mo ang susi

