Drei POV Kinabukasan Bumalik na ako sa condo para makapagpalit ng damit nang matapos sumakay na agad ako ng kotse para pumasok sa hamman network. "Bro!" tawag ni Eds sa akin nang makita niya ako sa hallway. "Oh!" sabi ko na lang sinangga ang balikat ni Eds. "Anong balita?" tanong ni Eds sa akin. "Wala naman," sabi ko habang sumasabay sa paglalakad papasok ng dressing room namin. "Weh!?" birong sabi ni Eds sa akin. "Oo," sabi ko habang sumasabay sa paglalakad papasok sa dressing room. "P-Drei-" bungad niya sa akin nang masalubong niya kami sa pintuan ng dressing room. "Prince ko?" takang tanong ni Eds sa aming dalawa. "Hahaha!" natawang sabi niya sa kanya. "Ha?" sabi ni Eds tumingin sya sa aming dalawa. "May narinig akong tumatawa ah!" bungad ni Emman sa amin nang lumapit siya

