Alenah POV "Sana maging maayos ang lahat kapag sinabi ko sa magulang ko ang totoo." nasabi ko bigla. "Kapag hindi mo kinaya tawagan mo kami reresbak para tulungan ka namin napaka-strict ng parents mo dinaig pa ang ibang magulang oo may strict attitude din pero kapag usapang pag-ibig na hinahayaan na ang kanilang anak pumili ng taong makakasama sa buhay," sagot ni Xhey sa akin. Natahimik ako bigla sa sinabi niya sa akin. Nagpaalam na siya na babalik sa kabilang kwarto para magpahinga napatango na lang ako at humiga na rin ako sa kama ko para matulog. Sa pool "Happy birthday!" bati ni Yecka sa kaibigan namin. "Oh! Thank you!" sagot ni Alexie sa kaibigan namin kasama niya ang inaanak namin. "Ang cute terno kayong mag-ina," sabi ni Yecka sa kaibigan namin. "Syempre!" sagot ni Alexie tu

