Year 2014 Hindi ko alam na buntis na ako ng ilang linggo na at akala ko normal sa babae ang naiinis dahil sa PMS pero hindi dahil nang magpunta ako sa doctor para magpa-check up dun ko nalaman na buntis ako magkaka-anak na kami. Nakita ako ni Emman nakangiti habang naglalakad kaya sumabay na sya at nakipagkwentuhan sa akin. "Masaya ka ngayon?!" puna ni Emman sa akin habang naglalakad kaming dalawa. "Ako, oo naman kasi ikakasal na ako." masayang sabi ko sa kanya. "Sabi mo eh!" sagot ni Emman binuksan niya ang pinto ng dressing room. "Alam ko ang iniisip mo eh!" sabi ko sa kanya at binatukan ko sya saka mabilis na pumasok sa loob ng dressing room. "Hindi ba?" natawang sagot ni Emman sa akin. "Hindi," sagot ko. "Huli ka na nga itatanggi mo pa ba sa akin? Ganyan na ganyan si Alexie n

