9

1079 Words
Isang linggo na ang nakalipas mula nung pumunta ko siya sa opisina niya. At sa loob ng pitong araw na 'yon? Hindi ako tumigil. Hindi na ako nagpadala ng mga bulaklak—masyadong cliché, pampalipas-oras lang 'yun. Sa halip, ang pinadala ko ay mga rare architectural journals na alam kong mahirap hanapin, mga kape mula sa paboritong shop niya na nalaman ko sa sarili kong "research," at ang pinakahuli—isang seryosong proposal para sa Bata ng Bukas Foundation. Hindi naman ako galing sa ampunan, pero alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng tahanan. Noong mamatay ang mga magulang ko nung college, parang bula na naglaho ang marangyang buhay ko. Kinailangan kong magtrabaho bilang working student, tumira sa mga paupahang kwarto na halos walang bentilasyon, at makipagsapalaran para lang hindi mamatay sa gutom. Kaya naman, malapit talaga sa puso ko ang mga bata sa foundation. Gusto ko silang bigyan ng estrukturang matatag—hindi katulad ng nakaraan ko na madaling gumuho. Nitong Miyerkules ng hapon, habang nasa kalagitnaan ako ng fitting, biglang tumunog ang phone ko. Unknown number. Pero alam na alam ko kung kanino 'to. "Hello?" sagot ko, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko. "Stop sending the coffee, Alexa. My secretary is starting to think you're the one paying her salary," bungad ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Mababa, baritono, at halatang nagtitimpi. Napangiti ako habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. "At least you noticed. So, ibig bang sabihin nito, kakausapin mo na ako nang matino?" Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. "I read your proposal for the foundation. It’s... detailed. Hindi ko akalaing alam mo ang tungkol sa LEED certification at sustainable materials." "I did my homework, Architect. Sabi ko naman sa'yo, perfectionist ako," mapaglaro kong sagot. "So, ano? Professional discussion over dinner?" May ilang segundong katahimikan bago siya sumagot. "Fine. 8:30 PM. L’Opera sa BGC. But Alexa... strictly business. No games, no cameras, no stunts." "Professionalism is my middle name, Adrian. See you." Eksaktong 8:30 PM nang pumasok ako sa restaurant. Siyempre, I dressed to impress, pero ibang vibe naman ngayon. Nakasuot ako ng midnight blue silk slip dress. Simple lang pero lethal. Yumayakap ang tela sa katawan ko sa bawat hakbang, at hinayaan ko lang na nakabagsak ang buhok ko. Agad kong nakita si Adrian sa isang sulok. Nakaupo na siya roon, mukhang seryoso sa suot niyang light gray shirt na may bahagyang nakabukas na butones sa leeg. Walang kurbata, pero ang lakas pa rin ng aura niya. Nakatitig siya sa relo niya nang maupo ako. "You're on time," puna niya. Sandaling humagod ang tingin niya sa hitsura ko bago mabilis na bumalik sa hawak niyang menu. "I value your time as much as I value mine," sagot ko habang inaayos ang upo ko. "So, let’s skip the small talk. Bakit ka pumayag?" Ibinaba niya ang menu at hinarap ako nang diretso. "Dahil sa layunin mo. I found out na personal mong pera ang ginagamit mo para sa foundation na 'to. And I respect that. Pero bakit ganoon ang design na gusto mo? Masyadong maraming glass. It’s beautiful, yes, but for kids? It’s a maintenance nightmare." Nawala ang ngiti ko at naging seryoso ako. Dito ko na ipinasok ang lakas ng loob na natutunan ko noong mag-isa na lang ako sa buhay. "Gusto kong makita nila ang labas, Adrian. Noong nawalan ako ng parents nung college, ang pinaka-ayaw ko ay ang pakiramdam na nakakulong ako sa isang madilim na kwarto. I want these kids to see the sky. I want them to feel like the world is big and they have a place in it." Napatitig sa akin si Adrian. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong lumambot ang mga mata niya. Hindi ang "model" ang nakikita niya ngayon—kundi ang totoong ako. "I didn't know you went through that," mahinang sabi niya. "Hindi ko naman kailangang i-post sa i********: ang bawat hirap ko, 'di ba? I’d rather show the world that I survived," balik ko, sabay bawi ng matapang kong ngiti. "So, tatanggapin mo ba ang proyekto?" Adrian leaned forward. Lumiliit ang distansya naming dalawa. Maamoy ko ang panlalaki niyang bango mula rito. "I’ll take it. I’ll design the orphanage. But under one condition." "Ano 'yun?" "No more tulips in my office. At makikinig ka sa mga technical advice ko. Kung sasabihin kong hindi pwede ang glass sa part na 'yun, hindi pwede." Napakalapad ng ngiti ko—isang totoong ngiti, hindi yung pang-camera. "Deal, Architect." Habang kumakain kami, unti-unting lumayo ang usapan sa blueprints. Nagulat pa nga siya na mahilig din ako sa classical music at modern art. Hindi niya namamalayan, pero unti-unti nang bumabagsak ang mga pader niya. Narinig ko pa siyang tumawa sa mga kwento ko nung nagsisimula pa lang ako sa modeling. "You're not as cold as people say," puna ko habang dahan-dahang inilalapit ang wine glass ko sa kaniya. "And you're not as shallow as you pretend to be," sagot niya, mas malambot na ang tono ngayon. Matapos ang dinner, hinatid niya ako sa sasakyan ko sa parking lot. Malamig ang gabi, pero iba ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Habang nakatayo kami sa tabi ng kotse ko, lumingon ako sa kaniya. "Adrian, thank you. For agreeing to do this. Malaki ang kahulugan nito sa akin." "It’s a good cause, Alexa. Goodnight." Paalis na sana siya nang bigla kong hawakan ang braso niya. "Wait." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Ramdam ko ang lalim ng hininga niya. Iniangat ko ang kamay ko para ayusin ang kwelyo ng damit niya, hinayaan kong dumikit ang mga daliri ko sa balat niya. "Professional talk is over for tonight," bulong ko habang nakatitig sa mga labi niya. Huminga nang malalim si Adrian, halatang pinipilit na panatilihin ang katinuan niya. "Alexa, what are you doing?" "I'm just making sure your collar is as perfect as your blueprints," sagot ko na may mapaglarong ngiti. Bago pa siya makasagot, mabilis akong dumanas para halikan ang pisngi niya, sobrang lapit sa gilid ng labi niya. Agad akong umatras at sumakay sa sasakyan ko, iniwan ko siyang tulala sa gitna ng parking lot. Habang nagmamaneho ako paalis, nakita ko sa side mirror na nakahawak pa rin siya sa pisngi niya. Nakuha ko ang "Oo" niya para sa proyekto, pero higit sa lahat, napatunayan ko na ang pader ni Adrian Lim... hindi kasing tibay ng iniisip niya. Ang laro, nagsisimula pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD