Naulit ang mainit na panyayaring iyon ng ilang beses pa. Hindi ko rin mapigilan ang sarili sapagkat nadadala ako sa mga haplos at halik ni Kingsley at higit sa lahat, pinapadama niya sa aking kung gaano niya ako kamahal. "Good morning, my queen." Bati niya nang imulat ko ang mga mata. Hinalikan niya ako sa noo pababa sa tungki ng ilong ko hanggang sa labi ko. "Good morning." Bati ko rin sa kanya at nagsumiksik sa dibdib niya upang itago ang pagkailang. Mag-iisang buwan na naming ginagawa ito pero hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya sa kanya. Kagabi ay may nangyari ulit sa amin at sa unang pagkakataon ako ang unang nag-aya niyon. Parang wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Nakakahiya ng sobra. Hindi na ako natutulog sa sariling kwarto at dito na ako natutulog sa kwa

