Tulala lamang ako habang nakaupo sa gitna ng daan. Nanginginig ang aking buong katawan habang yakap-yakap ang mga tuhod. Halos wala nang nalabas na luha sa mga mata ko dahil sa sunod-sunod na pag-iyak kanina. Hindi ko alam ang gagawin at iisipin. Nasa matinding pag-aaalala ang nararamdaman ko ngayon. Ano na kaya ang nangyayari sa mga bata? Alam kong takot na takot na ang mga ito ngayon, umiiyak. Si Luke. Hindi pwedeng makaramdam ng matinding emosyon si Luke. Ilang buwan pa lang ang nakakaraan matapos siyang maoperahan. Ikakasama iyon ng kanyang kalusugan. Si Kingsley. Darating siya ngayon. Alam kong hindi niya ako mapapatawad dahil pinabayaan ko ang mga anak niya. Wala akong nagawa upang iligtas ang mga ito. Muli akong napahagulhol. Ang mga anak ko. Kawawa ang mga anak ko. Diyos ko

