Nasa kuwarto na kami ngayon ni Gideon habang nag-uusap naman sa home office sina Ninong at ang kanyang asawa. Hindi ako makapaniwalang mahuhuli kami ng ganito ni Mrs. Valdez. Sobrang gulat ko nang madatnan namin siya sa living room at wala man lang siyang reaction nang makita niya kaming tatlo na hubo’t hubad. Kung kanina pa siya nandon, siguradong nakita at narinig niya kung anong nangyayari sa amin sa pool. Pero kanina, niyaya niya lang si Ninong na mag-usap sila at mabilis naman kaming pumanhik ni Gideon sa kuwarto. Ngayon nga at nandito kami, kalmado lang siyang nakaupo sa kama habang nakatayo naman ako at palakad-lakad na hindi mapakali. Alam ko namang mali ang ginagawa namin pero hindi ko talaga maiwasan at mapigilan. Mahal na mahal ko silang dalawa at ayoko silang mawala sakin. Pag

