Nakabusangot ang mukha ko habang naghuhugas ako ngayon ng mga pinagkainan namin na breakfast kaninang umaga. Working days na naman kasi at si Ninong nasa company office niya at kaaalis lang naman ni Gideon para mag-practice sa ligang sasalihan nila ngayong summer. Niyaya niya ko na manood sa kanilang practice pero tumanggi ako dahil sigurado namang andon ang mga barkada niya lalung-lalo na si Eunice. Naku pag pinakilala niya kong girlfriend niya baka magwala ang bruha na yon at kalbuhin pa ko. Mas mabuti ng huwag na lang pumunta kaysa magkagulo pa. Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at kinabahan nang makita ang pangalan ni Mrs. Valdez. Huminga muna ako ng malalim tapos ay sinagot yon. “Hello po, Mrs. Valdez.” kalma kong sabi at narinig ko ang pag-ungol niya. Hala! May gina

