Matapos kong ayusin ang sarili ko, inilagay ko sa ref ang binake kong pie at hinugasan ang mga pinagkainan namin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Gideon. Gusto niya ako at alam niyang may gusto ako kay Ninong pero kailan pa? Masyado ba kong obvious? Siya lang ba ang nakakaalam o baka may pinagsabihan siya? Kung bakit naman kasi nagwalk-out ang taong yon, eh di sana puwede kaming mag-usap ng maayos. Hindi ako mapakali kaya kinuha ko ang aking phone at tinawagan si Ninong. Nakatatlong ring bago niya masagot at agad kong sinabi sa kanya ang mga nangyari. "I told you he likes you sweetheart..." sabi niya. "Pero daddy, alam din niya na may gusto ako sayo. Pano pag may pinagsabihan siya na iba?" "I assure you wala siyang pinagsabihan. Asan na siya ngayon?" "Hindi ko alam! Bigla

