SHERRI FINAL 2 One year later… Kasama ko ngayon si Mama sa ospital para magpatingin kay Dr. Rivera, ang doktor na tumingin sa akin non nang mag-miscarriage ako. Naging kaibigan ko na rin siya at sa kanya ako humihingi ng advice sa mga concerns ako. One year na ang nakalipas ng mag-graduate ako, at the same time nag-propose ang aking mga asawa. Agad kaming nagpakasal na tatlo, isang garden wedding na ginanap sa isang hardin ng malaking hotel. Balita ko pagmamay-ari yon ng kaibigan ni daddy. Private ang occasion, konti ang bisita, mga parents ko at ang aking bestfriend na si Jewel kasama ang kanyang apat na asawa. Nakatatlong lalakeng anak na nga siya at ang isa ay on the way, malaki na nga ang tiyan eh. Masaya ako at nakapunta siya, super blooming ang loka! Ang gugwapo din ng kanyang mga

