Super relax ako ngayong nakahiga sa hammock habang nakatingin sa mga branches at leaves ng mga puno na wumawagayway dahil sa hangin. Ang ganda ding tingnan ng asul na kalangitan at ang panahon ay hindi gaanong mainit. Halos one week na kaming nagi-stay dito sa lake house. Ang sarap sarap tumira rito, gusto ko na nga na dito na lang kami lagi pero malapit na magsimula ang panibagong school year at senior na kami ni Gideon. Isang taon na lang bubunuin namin sa school at graduate na kami tapos magsisimula na ang bago naming adventure sa college. Although hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol doon pero siguradong same din kami ng papasukan. Nakasuot ako ngayon ng one piece white swimsuit, naliligo naman sa lake si Gideon, habang si daddy ay nagluluto ng barbecue sa grill sa porch ng cabin.

