Kabanata 25 Hindi ko alam kung saan nahugot ni Ahmet ang lakas ng loob niyang mamalagi sa bahay ni Peter ng ilang oras bago ako nakapagdesisyon na sumama sa bahay niya. Ayaw niyang umalis ng bahay ni Peter at sa tinginan palang nila ay parang magpapatayan na sila. Alam ko naman ‘di maiwasan ang gulo kapag nagsama ang dalawa kaya ang ginawa ko ay sumama na lang din sa kanya. Gusto rin kasi iyon ni Ahmety dahil daw magkapangalan sila kaya totoong tatay niya iyon. Habang si Vito naman ay tutol na tutol sa gagawin namin. Pinilit nang pinilit pa iyon ni Ahmety hanggang sa wala ng nagawa sa kapatid at tuluyang sumama. Si Amber naman ay walang kibo buong magdamag, kahit na nilalambing ng ama niya ay parang hangin lang iyon kahit na sumama pa sa bahay nila mismo. “Wala ka bang trabaho?” tanon

