Kabanata 14 Nagising ako na masakit ang aking ulo. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at napatingin sa palagid. Isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa akin ngunit base sa mga gamit na nandito ay nasa isang silid ako sa hospiyal. Nanibago lang ako dahil malapad iyon at maganda, hindi kagaya noon sa probinsya namin. Sinubukan kong maupo sana sa kama ngunit napadaing lang ako nang makaramdam ng sakit sa aking ulo at likuran. Hindi ko alam kung bakit iyon masakit pero masakita talaga kaya hindi na nagawa ang plinano ko. “Mom, I told you, I am fine! Walang masakit sa akin at walang nanggayuma sa akin!” I heard a familiar voice from the comfort room, it was Ahmet. Nakabukas ang pintuan at medyo mataas ang boses niya kaya dinig na dinig ko ang bawat salita na lumalabas sa

