Dream Island, Amore de Pazzo (Isla Panaginip baliw na pag-ibig) . Hanggang ngayon ay mulat pa ang mga mata kong nakatitig sa kisame ng kwarto. It's nearly twelve midnight and I can't sleep at all! Then, let's make this official because I am sincere, Candy, at simula ngayon ay tayo na. Paulit-ulit ito na parang sirang plaka sa utak ko. My goodness me! Nabaliw na nga ako. Ang baliw ko na ngayon sa sarili ko. Epekto na ito ng gusto ko at nangyayari na. Pero bakit kinakabahan na akong masyado? Pakiramdam ko minsan sasabog na ang puso ko na parang ewan! Mabilis ko lang na nilublob ang mukha sa unan at pinagsusuntok ko pa ang unan ko ngayon. Walanghiya ka talaga Conrad! Hanggang ngayon ba naman dehado pa rin ako sa 'yo? Dang it! NAGISING ako na mabigat ang mga mata ko. I don't know if

