Candy POV . Mabilis akong pumasok sa banyo at tiningnan ang bawat sulok. I need to escape, I need to get out of here. Kailangan kong makatakas, pero wala akong makita na ibang paraan. Isang bintana lang ang meron at hindi rin ako makakalabas dito dahil nakarehas na bakal ito. Ni wala rin akong makita sa labas dahil ang taas ng puder na halos magkadikit na ang nakikita ko. And if I am not mistaken, it was somehow like a basement. May konting liwanag pero hindi sapat ito. Ang kisame naman ay kakaiba. Wala itong manhole na pwede kong mapasukan man lang. Kinapa ko pa ang bawat dingding, pero wala talaga. The only way I can get out of here is to fight back at him. Pero alam kong hindi ko kaya, dahil maliit lang ang katawan ko. Sana nga pala nag-aral ako ng karate. Tinitigan ko pa ang pagka

