Nagising ako na yakap ang isang malambot na bagay. Pinikit ko ulit ang mga mata ko at mas yumakap na sa unan. Amoy ko na naman ang amoy ng scented vanilla candle. Bumuli ako two weeks ago, dahil na miss ko ang amoy nito sa tuwing babangon ako. Naalala ko kasi ang kwarto ni Conrad sa tuwing naamoy ko ito. . Speaking of Conrad? T-Teka lang Conrad... . Hanggang sa maalala ko ang nangyari kagabi at ang taas ng lagnat niya. Napabangon ako nang wala sa sarili at nakapikit pa ang mga mata. Pinakiramdaman ko pa kung nandito pa ba siya sa kama, t'ska minulat ang mga mata ko. Mataas na ang sikat ng araw at presko ang pasok ng hangin mula dito. Kinusot ko pa nang maayos ang mga mata ko bago tiningnan ang oras sa relo. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita na alas dose na pala ng tanghali ngayon

