"Wow ate Japan ha," kantyaw ni Elmo. "Tumahimik ka nga!" "Ibili mo ako ng action figure ni gorillaz 2D at ni shiro, ate," ngiti niya. "Ano?" kunot noo ko. Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya at puro anime na naman ang utak nito! "Ikaw ha siguraduhin mo na sa Oktubre ay magtatapos ka na. Dahil kong hindi ay sa kangkongan ka talaga pupulutin ni kuya!" Dapat sana g-graduate siya ngayong Marso, kaso may isang subject na medyo tagilid siya. Hindi naman siya binagsak ng professor, pero hindi siya nakahabol sa requirements. Kilalang terror ang professor na iyon, kaya sa oktubre pa siya magtatapos. Ngumuso siya at umikot na siya at kimuha ng otap na pasalubong ni Conrad galing Cebu. Nilapag ko na ang ginawang kape sa tray para sa kanila ni Kuya. Iniwan ko na si Elmo sa kusina

