Chapter Seven

2365 Words
NAPAKUNOT–NOO si Ken nang mag–flash sa screen ng cell phone ang isang unregistered number na tumatawag sa kanya. “Hello?”           “Kenneth?”           “Yes. Who’s this?”           “It’s me, Olga.”           “Olga …” Sandali siyang nag–isip pero wala siyang maalalang kakilala na Olga ang pangalan gayunman ay nabobosesan niya ang babae. “Olga who?”           “C’mon, Ken, kilala mo ako. I’m sure hindi mo basta makakalimutan ang masasayang sandali na pinagsaluhan natin sa apartment ko.”           “Okay, Olga, ano’ng kailangan mo?” Naalala na niya ang babae. Ito ang huling naka-one-night stand niya bago sila nagkamabutihan ni Trisha. Nagtataka lang siya kung paano nito nalaman ang business number niya samantalang matagal na niyang itinapon ang SIM card na ginagamit niya noon sa mga extracurricular activities. Bigla siyang napailing nang maalalang binigyan nga pala niya ito ng business card nang magkakilala sila.           “Magkita tayo, Ken,” pormal na sabi ni Olga.             “I’m sorry, Olga but I am not interested,” tanggi ni Ken. Nahulaan kaagad niya kung ano ang kailangan nito.           “Kailangan nating magkita. Buntis ako at ikaw ang ama.”           “What?”           “Puntahan mo ako sa apartment, mag–usap tayo.”            “I can’t do that. Marami akong ginagawa.”           “Kung hindi ka makikipagkita sa akin, gagawa ako ng eskandalo. Guguluhin kita sa opisina mo,” pananakot ni Olga.             Muntik na siyang matawa sa narinig. Hindi iyon ang unang pagkakataon na may nanakot sa kanya dahil ayaw na niyang makipagkita sa babae. Pero iyon ang unang pagkakataon na may nagbintang sa kanya na nabuntis niya ang babae. Bahagya pa siyang nanibago sa inakto ni Olga. She had a sweet voice and angelic face, he could’t imagine that she was capable of threatening him.             “You can do whatever you want to do, Olga, pero hindi mo ako maloloko,” aniya at tinapos na ang tawag. Wala siyang interes na alamin kung ano ang motibo ni Olga, pero sigurado siyang nagsisinungaling ito. At wala siyang balak magpaloko.   “MA’AM, nandito na po si Miss Jackielyn Reyes.”           “Let her in,” utos ni Engr. Kim Yuzon-Alegre sa sinabing iyon ng sekretarya sa intercom. Ilang sandali pa ay pumapasok na sa opisina ang isang babae na halatang buntis. Humingi ng appointment si Miss Reyes sa sekretarya para makausap siya. Ang sabi nito, may mahalaga itong sasabihin tungkol sa panganay niyang anak na si Kenneth. They could talk on the phone but the woman insisted to see her. Sinabi ng kanyang sekretarya na isang sikat na artista ang babae kaya pumayag na rin siya na maisingit ito sa kanyang schedule.           Tumayo siya at sinalubong ang babae. “Good morning, Miss Reyes.” Inilahad niya ang kamay. “I’m Engineer Kim Alegre, Kenneth’s mother.” They shook hands. “Do you want something to drink, Miss Reyes? Juice or water, I know bawal sa ’yo ang kape,” nakangiting alok niya habang minuwestra sa receiving area ng opisina.       “Whatever you’re having, Mrs. Alegre,” sagot ng babae. Naupo ito sa sofa at mabilis na iginala ang tingin sa paligid.           “So what can I do for you, Miss Reyes?” tanong niya matapos mag–utos ng juice sa sekretarya. Naupo siya sa two-seater sofa katapat ng kinauupuan ng babae.           “Call me Olga, Mrs. Alegre. My real name is Olga Medina. Screen name ko lang sa showbiz ang Jackielyn Reyes. And I’m your only son’s girlfriend.”            “Girlfriend ka ni Kenneth?” gulat na bulalas niya. Napatingin pa siya sa nakaumbok na tiyan nito.           “Yes. At anak namin ni Kenneth ang ipinagbubuntis ko. Apo n’yo ang batang ito, Mrs. Alegre.”           Hindi siya nakapagsalita sa labis na pagkagulat. Alam niyang malikot ang unico hijo niya pagdating sa babae pero may pakiramdam siyang hindi nagsasabi ng totoo ang babaeng kaharap. Pumasok ang sekretarya dala ang juice ni Olga.           “Ilang buwan na ‘yang ipinagbubuntis mo, Olga?” tanong ng ginang nang makalabas ang sekretarya matapos nitong mai–serve ang juice.           “Three months,” sagot ni Olga.           “Alam na ba ni Ken? Walang nababanggit si Ken sa amin tungkol sa ’yo at sa kalagayan mo.”           “Yes. Pero ayaw panagutan ng anak n’yo ang ipinagbubuntis ko. Iniiwasan at pinagtataguan din niya ako. He promised me everything but now, where is he?”           “Kaya ba ako ang kinakausap mo?”           “You’re right, Mrs. Alegre.”           “Saan mo ba nakilala ang anak ko, Olga?”           “Ano ba ‘to interrogation? Nandito ako para siguruhing hindi ako tatakbuhan ng anak n’yo,” impatient na sagot ni Olga.             Napamaang si Kim sa narinig. Hindi niya akalain na bastos pala ang babae. Walang paalam na tumayo siya at nagbalik sa desk. Kinuha niya ang cell phone at tinawagan si Ken. Pero hindi nito sinasagot ang tawag. Naiinis na muli siyang pumindot sa cell phone at tinawagan ang asawa. “Come here in my office, Kurt, may problema tayo.”           Habang naghihintay sa pagdating ng asawa, pinagmasdan ni Kim ang babae sa receiving area na kasalukuyang abala sa cell phone. Matangkad at maganda si Olga. Mukhang may pinag–aralan pero nakakadismaya ang kulay-pula nitong buhok at suot na maikling damit na hapit na hapit sa katawan at kita ang cleavage. Good thing naka–flat shoes ito dahil matatalakan talaga niya ang babae kung naka–high heeled shoes at sinasabing apo niya ang ipinagbubuntis nito.           Ilang sandali ang lumipas nang may kumatok sa pinto at sumungaw ang mukha ni Kurt. “What’s the problem, honey?” Tumayo si Kim at iminuwestra ang asawa sa receiving area. “This is Olga Medina, girlfriend daw ni Ken.” Kumunot ang noo ni Kurt nang mapansing buntis ang babae. Gayunman, naglahad ito ng kamay at ipinakilala ang sarili. “I’m Kurt Alegre, Kenneth’s father.”           Nakipagkamay si Olga. “As you can see, she’s pregnant,” sabi ni Kim sa habang umuupo sa sofa. “Anak daw nila ni Ken ang bata.” “Totoo ba ‘yon, hija?” kunot–noong tanong ni Kurt. Naupo ito sa tabi ng asawa. Tumango si Olga. “Pero pinagtataguan ako ng anak n’yo kaya nagpunta na ako rito.”  “Nasaan si Ken?” baling ng asawa sa kanya.   “He’s in Hongkong, remember? I tried calling him, but he’s not answering his phone.”   Si Kurt naman ang sumubok na tawagan ang anak pero hindi rin ito sinasagot. Binalingan nito si Olga pagkatapos itago ang cell phone sa bulsa. “Ano’ng plano mo ngayon, Olga?” “I want your son to marry me. Ayokong maging bastardo ang anak ko,” taas – noong sagot ng babae.   Nagkatinginan silang mag–asawa. “Kung may obligasyon man si Kenneth sa ’yo, sinisiguro ko sa ’yo na paninindigan niya ‘yon. But we have to talk him first,” pinal na desisyon ni Kurt.       Tokyo, Japan “May nanliligaw ba sa ’yo rito?” tanong ni Ken.           Napatingin si Trisha sa boyfriend. “I had a few but I turned them down. Hindi ko naman kasi sila gusto ko, eh.” Napangiti ito sa narinig. "Good. Akin ka lang, Trish,” possessive na sabi nito sabay halik sa kanya. It was spring in Japan. She was glad she was with Ken in a park that afternoon. Romantiko ang atmosphere ng paligid dahil sa sariwang hangin at pag–ulan ng napakaraming Sakura petals. May mangilan–ngilan ding mga mag-boyfriend na Japanese na nakaupo sa bench tulad nila.  Ang akala niya ay nagbibiro lang ang binata nang tumawag ito at sinabing nasa NAIA na at papunta na sa Japan para dalawin siya. Hiningi ni Ken ang complete address niya. Nagulat na lang si Trisha nang pag–uwi sa culinary school ay nadatnan sa labas ng apartment ang binata at naghihintay sa kanya. Mahigit dalawang buwan na si Trisha sa Tokyo kaya missed na missed na niya ang boyfriend. Araw–araw naman sila kung mag–usap sa telepono at kung minsan ay nagsta-chat din sila online pero iba pa rin kung personal itong nakikita, nayayakap at nahahalikan. Papadilim na nang umalis sila sa park at nagpunta sa isang restaurant para mag–dinner. Pagkatapos kumain ay bumalik na sila sa tinutuluyan niyang apartment.  Nagtungo si Trisha sa kusina pagkatapos magbihis ng pambahay para ayusin ang groceries na binili niya kanina na hindi niya naiayos dahil niyaya kaagad niya si Ken sa park. Naligo naman si Ken. Malapit na siyang matapos sa ginagawa nang sundan siya ng boyfriend sa kusina. “Hey, I have something to tell you, sweetie,” nakangiting sabi ni Ken nang makalapit sa kanya. Nakapag–shower na ito at fresh na fresh nang tignan sa suot na walking short at dark-gray T–shirt na may nakasulat na Offsprings 21. “Ano ‘yan?” kunot–noong tanong ni Trisha nang makita ang hawak nitong ilang pirasong bond paper. “Kopya ng floor plan ng ipinapatayo kong building.” Ipinatong nito ang hawak na mga bond paper sa kitchen table at ipinaliwanag sa kanya ang naka–drawing doon. Isang ten-storey office building ang ipinapatayo ni Ken na ito mismo ang nagdisenyo at tumatayong head engineer. Alam niyang sarili nitong pera ang pinambili sa dilapidated building na dating nakatayo roon along Pasig Boulevard. Alam din niyang balak nitong parentahan ang tinatayong gusali kapag natapos na.  “You can have the first floor or more para sa culinary school na pangarap mong itayo,” patuloy ni Ken.   Nagulat si Trisha sa narinig. Seryoso siyang tuparin ang pangarap na  magtayo ng culinary school pero kasalukuyan pa lang siyang nag–iipon ng credentials at halos wala pa nga siyang plano tungkol doon. It was a long–term plan. “What can you say? Dinesenyo ko talaga ang building para sa magiging culinary school mo,” nakangiting sabi pa ni Ken. “Are you serious?” “Oo naman. Nagustuhan mo ba?” “Of course! Pero, Ken, draft pa lang ng feasibility study ng culinary school ang nagagawa ko. And I think I also need investors.” “Well, I’m willing to invest on your school. I’m sure marami ring magkakainteres na mag–invest sa oras na magsabi ka sa barkada. At tama lang na ngayon pa lang ay may location ka na. Matagal pa rin naman bago matapos ang constructions ng building, eh. You are lucky because very accessible sa lahat ang location ng building. I’m sure maraming mag– eenroll sa school mo kung sakali.” Tama si Ken, maganda nga ang location ng building. Tumango–tango siya bilang pagsang–ayon sa sinabi nito. “How about the rent?” tanong niya. “Well, you can occupy two floors for free pero kung tatanggi ka, you can lease the place.” “Natural tatanggi ako, ‘no. I’ll lease the floors at tutukan ko na talaga ang paggawa ng feasibility study,” determinadong sabi niya. Humarap siya sa binata at hinawakan ito sa balikat. “Salamat sa pagsuporta mo sa pangarap ko.” “You should know by now that I’ll do anything for you because I love you.” Nagulat si Trisha sa biglang deklarasyon ni Ken. Hindi siya nakapagsalita. It was the first time he said that magic words to her. “I really do,” sabi pa nito na parang nabasa sa kanyang mukha ang pagdududa. “You’re the first person I think in the morning and the last person I think at night. Sa lagay na ‘yon, hindi pa ba ako in love sa ’yo?” Naramdaman niya ang biglang pamamasa ng mga mata. “You’ve always been special to me because you’re my friend. But now, I’m sure about it, I’m so in love with you, Trisha Escobar. Do you love me, too?”  Sunod–sunod siyang tumango. “I love you, too, Kenneth Jason Alegre.” Sigurado siya sa sinabi dahil nararanasan din niya ang mga sinabi nito. Siguro nga ay matagal na rin siyang in love kay Ken na inakala niyang simpleng paghanga lang at ngayon lang niya iyon na-realize. Hinila niya ito sa batok para magtagpo ang kanilang mga labi. Mabilis namang pinailalim ni Ken ang halik. Hinapit siya nito at yumakap siya sa leeg nito habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Muntik na siyang mapatili nang bigla siyang buhatin ni Ken pero hindi naman siya tumutol nang dalhin siya nito sa kuwarto. Ibinaba siya sa ibabaw ng kama. Muli siyang hinalikan at buong puso siyang tumugon. Napasinghap siya nang bumaba ang halik nito sa leeg niya habang ang isang kamay nito ay nasa loob na ng dress at humahaplos sa kanyang hita. Bumaba pa ang halik Ken. “Uhm, wait…” She tried to push him away. Pero lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Nagtaas ito ng ulo at tinitigan siya. “I want to make love to you. Please don’t ask me to stop,” anas nito sa tinig na nagsusumamo. Wala naman siyang balak tumutol sa gusto nitong mangyari. She just wanted to make it slow. Ilang beses na rin silang nakarating sa ganoong tagpo pero lagi ay nagpipigil sila. But now, she was ready. Nagmamahalan sila kaya buong puso niyang ipagkakaloob ang sarili niya rito at buong–buo na ang tiwala niya rito. “Just be gentle,” aniya at muli niyang iniyakap ang mga kamay sa leeg nito. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi. At ilang sandali pa ay napuno ng mga anasan, impit na tili at mga ungol nila ang silid na iyon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD