DOUGZ’s POV Paano ako matutulog? Hindi sinasagot ng aking baby ang mga tawag at text messages ko sa kanya. Umaga pa lang, na-offend ko na siya. Parang ako pa ang biglang naging conservative sa aming dalawa. Inaalala ko lang naman ang bilin ng kanyang papa at nasa harapan pa kami ng bahay nila. At ito ang ginamit niya sa akin ngayong gabi. Hindi niya ako pinagbigyan na mahalikan siya. Gusto ko rin lang na maging professional kami pagdating sa opisina. Siya naman ang may ayaw na ipaalam sa mga tao ang relasyon namin lalo na at nandoon si Kuya Dax. Siya ang may ayaw na ilagay namin sa ayos ang aming relasyon. Kung pumapayag lang sana siya na ipaalam na namin sa aming mga pamilya baka wala kaming problema. Walang dapat ng itago. Kung alam sa office na may relasyon kami, mangingilag ang

