IVY’s POV Ilang linggo na rin na hindi kami nagkikita ni Dougz in person. Laging text, calls at video chat kapag pwede kaming pareho. Ngayong week ay hindi pa kami nakakapagtext at tawag dahil nasa Singapore siya para um-attend ng seminar. Monthsary namin ngayon ngunit wala siyang paramdam. Noon siya lagi ang nauunang bumati sa akin. Hindi na rin nasundan ang bebe time namin. Hindi rin magtagpo ang aming schedules na dalawa. Nabalik naman ang magandang trato nina papa at mama sa akin. Si papa ang naghahatid sa akin sa boarding house after ng aming family day. Pati sa pagsisimba ay hindi ko na rin nakakasama si Dougz dahil sobrang busy niya lagi. Halos wala na siyang pahinga kaya hindi ko na rin siya tinatawagan sa gabi. Ang last na sabi niya ay ilang buwan pa bago muling uuwi si Tit

