IVY’s POV Sa araw – araw na nagkikita kami lagi na lang akong pinaggigilan ng aking boyfriend. Lagi na lang lamog ang aking mga labi. At nararamdaman ko na kapag nahihibang na ako sa kanyang mga halik ay nagsisimulang maglumikot ang kanyang mga kamay. Nakakapanood na ako ng mga movie na rated 18, kaya alam ko naman ang mga pwedeng sunod na mangyari. Sa sarap humalik ni Dougz ay hinahanap hanap ko na rin ito. Totoo ng ana matamis ang unang halik. Para itong alak na nakakalasing. Kasing tamis ng ubas na lagi mong gugustuhing matikman. Ganoon ang epekto sa akin ng kanyang mga halik. Mahal ko siya at gusto ko siya noon pa man. Pero hati pa rin ang isipan ko na baka iba lang ang habol niya sa akin. Gustuhin ko man ibigay ang mga gusto niya, may takot pa rin sa aking isipan. Kung puso ko

