DOUGZ’s POV Ilang araw na ang nakalipas na hindi ko nakikita ang kaibigan ng aking pamangkin na si Ivy. Naabutan ko si Thisa na mag-isang kumakain. Nakidampot ako sa fries nito at umupo ako sa kanyang harapan. “Kailan ang pasukan ninyo?” kunwari ay hindi ko alam. Ang totoo ay ilang beses ko na naririnig sa usapan nila ni Mommy. “Sa Monday po, tito. Gusto po ba ninyo ng juice? Papatimplahan ko kayo,” turan nito sa akin. Tinawag din niya ang kasambahay at pinagawan ako ng juice. Lagi na lang kumakain itong pamangkin ko, mabuti at hindi tumataba. “Gusto mo bang lumabas kahit bukas na lang?” Alanganin na kung ngayon kami aalis at saka baka hindi rin makasama ang kaibigan niya. “Pwede po, bukas. Wala rin naman po akong gagawin. Himala, tito! Hindi ka na umaalis ng bahay. May lagnat ka p

