DOUGZ’s POV Ilang araw nang hindi ko nakikita si Ivy. Wala naman akong number niya para makatawag ako sa kanya. Hindi ko na rin siya nakikitang nag-jo-jogging sa umaga at kahit sa gabi. Malapit na rin siyang bumalik ng Manila. Mas gusto ko iyon na nandoon na siya para malaya ko siyang makita at madalaw. Kung pumapayag na kasi siyang umakyat ako ng ligaw hindi ako parang tanga lagi na nag-aabang sa kanya. Gumigising ako ng maaga para tumambay sa terrace ko at hintayin siya. At sa gabi naman ay ganoon pa rin kapag hindi ako naka-duty. At kung may duty naman panay ang ronda namin. Nasabihan pa ako ng isang kasama ko na parang may hinahanap daw kami. Ngayong gabi ay hindi ako duty. Nagpasya akong mag-jogging. Baka masalubong ko rin siya. Naka-ilang ikot na ako ay wala akong nakitang

