IVY’s POV Anong oras na? Hindi pa rin ako makatulog. Gawa ba ito sa dalawang tasang kape na inubos ko? Nahiya naman ako kay Madam kung isauli ko na hindi nainom. Nagmagandang loob nan ga siya, hindi pa maiinom. Ilang oras na simula nang umalis si Tito Dougz. Hanggang ngayon ay hindi mapaniwalaan na ako pala ang babaeng tinutukoy niya. Anong plano niya at ako bigla ang nakita? Nakakatawa lang dahil ni wala akong panama sa mga babaeng nakikita ko na isinasama niya sa bahay nila. Lalo na yung babae na nasa may resort. Ang ganda at ang sexy niya. Akala ko ay titigilan na niya ang pangungulit sa akin tungkol sa unfinished business niya pero iniba lang pala ang paraan ngayon. Kunwari pa siya na gusto niya ako pero may gusto lang siyang mangyari. Ramdam ko kanina ang init ng katawan niya. Ba

