3

1812 Words
IVY’s POV Pinagpawisan ako dahil sa klase nang tingin ni Tito Dougz kanina sa akin. May ngisi ito sa kanyang mga mata. Pilit nitong pinapaalala sa pamamagitan nang pagtingin niya ang nangyari kagabi. Sa tuwing naiisip ko rin kasi ay tila ako nakikiliti. Naalala ko ang pakiramdam na idinulot niyon sa akin. Paano kaya kung hindi ko binuksan ang ilaw? Saan aabot ang bagay na iyon? “Best! Kanina ka pa natutulala. Ano bang iniisip mo?” tanong nito sa akin. Naiwan ako dito sa upuan habang siya ay umorder ng pagkain na babaunin namin sa sinehan. Manonood kami ng movie. Ngayon lang kami matutuloy. After naman nito ay uuwi na rin kami. Hindi ko alam kung magbabyahe na lang ba kami. Hindi kasi pinapayagan si Thisa ng daddy niya na mag-commute. Kaya kanina ay napasabay kami kay Tito Dougz dahil wala ang driver nila. Baka siya na naman ang masakyan namin mamaya. Ay hindi, malabo iyon dahil idinaan lang naman niya kami ni Thisa dito . May lakad iyon na iba base sa ayos niya. Baka may inumang pupuntahan. Bakit ko ba pinoproblema iyon? Umupo muna si Thisa, habang hinihintay namin ang order niyang food. “Hindi mo na ako sinagot. Ano ba kasing iniisip mo? May boyfriend ka na ba? Baka ayaw mo lang sabihin sa akin ha.” Himig nagtatampo pa ito. Paano ako magkaka-boyfriend lahat ay binabasted ko at alam naman niya iyon. Ilang sandali pa bago dumating ang aming order. Inilapag ito ng crew sa harap namin. Bakit tatlo ang drinks? May kasama pa pala kaming iba na manonood ng sine. Sino kaya? Wala siyang nabanggit sa akin. Treat ko ito sa kanya. Dahil siya ang nag-treat the last time na lumabas din kami. “Bakit ang daming drinks? Nagugutom ka ba?” hindi ko siya tinanong ng direkta baka kasi ma-offend ko pa siya. “Hindi ako nagugutom. Busog pa nga ako. Next time mo na ako i-treat. Kasi may ibang mag-treat sa atin ngayon.” Sambit nito habang may ka-text. “Ha? Bakit? Sino ang may treat nito? Don’t tell me best, my boyfriend ka na? Third wheel ako?” sunud-sunod kong tanong dito. “May sinabi na ba ako sa iyong sinagot ko?” balik tanong nito sa akin. “Kung hindi mo boyfriend, sino?” nagtatakang tanong ko pa dito. Kahapon pa kami magkasama ay wala naman siyang nabanggit. “Andyan na pala si Tito Dougz. Let’s go.” Dinampot niya na ang ibang binili naming pagkain at ako naman ay biglang natulala. Nakalapit na si Tito Dougz at siya na ang kumuha sa mga drinks. Bakit bigla namin itong nakasama? “Best, hindi kasi natuloy si tito sa lakad niya. Biglang nag-cancel, siya rin naman uutusan ni Daddy na susundo sa ating kaya bumalik na lang siya dito. Nasa counter ako kanina nang tumawag siya. Siya rin ang magbabayad ng lahat ng gastos. Right, tito?” tumayo na ako kahit shock pa rin at kasama pa namin ito. Hindi ko alam kung nananadya bai to dahil sa tinagal tagal ko nang kilala si Thisa ngayon lang namin ito nakasama. Kinuha rin nito ang dala ni Thisa. Siya ang may bitbit ng lahat. Kinapitan ako ng kaibigan ko na feeling niya ay aalis ako. Lahat ng nakakasalubong namin ay napapatingin pa kay Tito Dougz. At ng may makasabay kaming sexy na babae, ay sinitsitan pa nito. Mas lalong nagpa-cute ang babae. Ganito pala style niya. “Si Tito Dougz talaga napaka-chickboy.” Bulalas ni Thisa. Alam ko rin naman iyon dahil sa ilang beses ko siyang nakita ay mas madami ang panahon na may kasama siyang babae. At kapag wala si Mrs. Martin ay kung saan-saan lang sila naghahalikan ng mga nakakasama niyang babae. Iniiwasan na lang namin ni Thisa kung nasaan sila. Minsan nasa swimming pool, minsan sa may garden at minsan ay sa may living room nila. “Tito Dougz, parang gusto mo pang sundan yung babae ah.” Sambit ni Thisa. Nilapitan kasi talaga niya yung sinitsitan niya at masaya silang nag-usap. Kitang-kita naman sa babae na kilig na kilig ito. May iniabot pa itong calling card kay Tito Dougz at kinuha ito gamit ang kanyang bibig. Parang hinalikan pa nga ang babae sa kamay. Manonood din ng sine ang babae at may kaibigan din itong kasama. Agad kong inalis ang aking paningin sa kanya.Baka kung ano pa isipin kapag pinagmasdan ko pa sila. Pagdating sa cashier ay ipinatong niya muna ang mga dala niya at saka kinuha ang wallet. Nakita kong ipinasok din niya ang calling card. Pagkabayad at ibinigay sa kanya ang ticket ay iniabot n anito kay Thisa. Pagpasok namin sa sinehan ay sa may aisle ang pwesto namin. Inunahan agad ako ni Thisa sa tabi ng aisle. Kaya ang pwede na lang mangyari ay ako ang pagitnaan nila o si Tito Dougz ang pagitnaan namin. Mas okay na ako na lang para katabi ko rin si Thisa. Pwede pa ako sa kanyang kumapit. “Best dito ka sa tabi ko. Si Tito Dougz na lang sa dulo.” Sambit nito sa akin. Sumunod na ako dito at hindi ko na tiningnan pa si Tito Dougz. Iniiwas ko talaga ang mata ko pero at katabi ko naman siya. Pwede naman yata siyang umurong pa roon kasi bakante naman. Bago magsimula ang palabas ay may dumaan sa aming harapan. Ang babaeng sexy na kanina ay kauap ni Tito Dougz. Nakilala naman nito agad ang babae. “Dito rin pala ikaw.” Maarteng sambit ng babae. “Kung sinuswerte ka nga naman.” Palatak pang sambit ni Tito Dougz. Hindi ko ito nilingon. Nag-uusap sila ng babae at nagbubulungan pero hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila. Diretso lang ang mata ko sa sinehan pero ang mata ko ay naglilikot pa rin. Tumayo silang dalawa at lumipat sa dulo. Nakatalikod sila kaya sinundan ko ng tingin. Wala naman sigurong mata si Tito Dougz sa likod para makita niya ako na nakatingin sa kanila. Nang si Tito Dougz ang nasa dulo malamang dito ang tingin niya dahil nasa kaliwa niya ang babae. Nasa kaliwa rin niya kami sa ayos niya. Parang hindi ko naintindihan ang palabas. Hindi ko alam kung bakit napapatingin ako sa kanila. Naghahalikan na ang dalawa. Grabe si Tito Dougz, kagabi nasa keps ko ang bibig niya, ngayon naman ay nasa labi ng ibang babae. Ang hilig niyang makipag-halikan. Hindi na siya nahiya. Natapos ang palabas at hindi na rin ako nakakain. Nawalan ako ng gana dahil sa nakita ko. Paglabas ng sinehan ay naka-abrisyete na ang babae. Hindi ko alam kung nasaan ang kasama niya kanina. Baka sinabihan din siya ni Tito Dougz na sumunod sa kanya. Pwede ring naitext nito pagdating namin dito sa loob. Kasunod kami nito na nagtungo sa kanyang sasakyan. Nauna siyang pumasok. Hindi niya pinagbuksan ng pintuan si Thisa. Si Thisa pa ang nagbukas sa akin ng pintuan bago ito sumakay sa unahan. May ininom si Tito Dougz. Sa amoy parang mouthwash ito. Ginargle niya at saka binuksan ang pinto ng sasakyan at saka iniluwa ito. “Ang baho ng bibig.” Rinig kong turan nito. Nasa likuran na niya ako pumwesto para hindi ko makita ang kanyang mata sa salamin. “Mabuti pa yung tahong na nakain ko kagabi sariwang sariwa at ang bango pa.” akala ko tapos na siya sa litanya niya at may pahabol pa. Malay ba namin ni Thisa kung saan siya kumain ng tahong. Maarte pala siya, bago pa siya makipag-halikan, maaamoy na naman niya iyon. Sana hindi niya hinalikan. Buti nga sa kanya. “Tito Dougz, sino yung girl na kinausap mo po kanina?” nag-uusyoso si Thisa. “Hindi ko kilala.” Parang naiinis pa nitong sagot. “Hindi mo kilala eh kitang kita ko na nakikipag-halikan ka. Tapos hindi moa lam ang pangalan. Kaya ka mapagalitan ni Mamita eh. Kung saan saan ka kumukuha ng babae.” Kumportable si This ana kausapin ng ganito si Tito Dougz. Sabi nga ni Mrs. Martin, parang mas matanda pa si Thisa rito dahil siya ay hindi marunong mag-isip. Kapag daw tinigasan eh, patol na lang nang patol. Baka ito na nga iyon. Basta naka-palda ay talo-talo na dito. “Tito, ihahatid po muna natin si Ivy.” Paalala ni Thisa. “Mas mauuna ang bahay natin e di ikaw muna ang ibababa ko. Sunod ko si Ivy.” Pilit pa akong nilingon nito. “E pwede naman natin siyang ihatid muna tapos sabay na tayong umuwi ng bahay.” Tama naman si Thisa para may kasama pa ako. Ayaw kong maiwan kaming dalawa lang ni Tito Dougz. “May lakad pa ako. Nag-text ang barkada ko ay may gimik pa kami. Iikot na lang ako kaya hindi rin sa bahay ang daan ko pabalik.” Katwiran nito sa aking kaibigan. “Ang daya naman.” Nagmamaktol na sambit ng aking kaibigan. “Sa bahay na lang din ninyo ako bababa. Kukunin ko pa ang gamit ko. Tapos maglalakad na lang ako. Para makapag-exercise rin ako. Hindi ako nakapag-jogging kaninang umaga.” Sambit ko pa dito. “Eh di kunin mo gamit mo at ihahatid kita. At ikaw Thisa, matulog ka na.” sambit nito. Ang aga-aga pa, pinapatulog na niya agad ang kaibigan ko. “Hindi po tito Dougz, okay na po ako. Maglalakad na lang po ako.” Ulit ko pa dito. Bumaba kami ni Thisa para kunin ko ang gamit ko. “Hindi pa natin nakakain ang food natin. Kainin muna natin ito. Bababa rin ito pag nilakad mo mula dito hanggang sa inyo.” Pangungumbinsi pa nito sa akin. Ipinahain na niya ito sa katulong nila para i-pre-heat muna dahil malamig na ang pizza. Naghintay pa kami ng ilang minute. Ang sarap ng kain namin ng biglang lumitaw si Tito Dougz na magkasalubong ang kilay. “Akala ko kukunin lang ang gamit, iyon pala ay nag-picnic pa kayong dalawa. Kanina pa ako naghihintay sa labas.” Masungit nitong turan pero hindi naman malakas. Ramdam mo lang na inis na inis. “Tito Dougz, nagsabi naman po ako na hindi ako sasabay dahil maglalakad na lang po ako.” Dinahan dahan ko pa ang salita ko para maintindihan niya. “Tara na, ihahatid na kita. Mukhang tapos na naman kayong kumain na dalawa at nagdadaldalan na lang kayo. Nasaan na ang gamit mo?” nagtinginan na lang kami ni Thisa. Pababa na naman ang yaya ni Thisa at bitbit ang bag ko. “Ito na po ma’am ang bag.” Sambit nito. “Akina iyan, tara na at ihahatid n akita sa inyo.” Saka biglang tumalikod bitbit ang bag ko. Wala na kaming nagawa ni Thisa at nag-paalam na ako dito. Ayaw ko talagang sumakay dahil baka maalala niya ang nangyari kagabi. Ako kasi pwede kong idahilan nan aka-inom ako. Baka naka-inom din siya. Bahala na nga. Sumunod na ako dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD