IVY's POV Lumipas ang isang araw at niyayakap lang ako ni Dougz. Hahalikan, hahaplusin, at sasabihan ng I love you. Hindi ako sanay na ganito siya kapag kaming dalawa lang. Agresibo siya kaya nakakapanibago. Para siyang may control. Na kapag lumalagpas na sa limitasyon niya ay tumitigil itong bigla. Kung kailan anniversary namin at amin ang mga araw ay saka naman siya ganito. Wala rin akong period kaya anong nangyayari sa kanya? "Baby," wika ko sa kanya. Pangalawang gabi na namin dito pero wala pa rin itong ginagawa sa akin. Hinahanap ko yung ginagawa namin dati kapag solo namin ang lugar. "Yes, baby," sambit nito sa akin. "Parang naninibago ako sa iyo," sambit ko sa kanya. "Hmmm, ay may binili pala akong damit para sa iyo. Sandali kukunin ko lang," anas nito at hinalikan pa ak

