DOUGZ’s POV Nagmamadaling bumangon ang aking baby at diretso sa bathroom. Akala ko ay naiihi lamang siya kaya hindi ko sinundan. Naiwan niyang nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko ang pagsusuka niya. Napabalikwas ako ng bangon dahil ngayon ko lang siya muli narinig na nagduduwal. “Baby, may masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong ko dito. Hinagod ko ang likod nito habang patuloy pa rin ang kanyang pagsusuka. Sinilip ko kung ano ang lumalabas sa kanya. Laway lang naman at walang iba pa. Na-burn na lahat ng kinain namin kagabi sa dami ng aming ginawa. Nagmumog na siya at nag-gargle ng listerine. Napaisip tuloy ako, baka kaya siya nagsusuka ay dahil sa isinubo niya ang alaga ko. Iyon kaya ang dahilan? Hindi na naman siya nagsuka kahapon. Dapat pala hindi ko na siya payagan pang

