DOUGZ’s POV Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang hindi ako sinagot ni Ivy sa mga katanungan ko. Sana pala hinawakan ko ang kamay niya pagka-abot ng pasalubong niya para kay Thisa. Mabuti pa siya may pasalubong, ako wala man lang kahit ano. Kahit kwento hindi ko pwedeng ipasalubong sa kanila. Masyadong mailap ka sa akin, Ivy. Bakit ba hindi ako nakipag-close noon pa sa iyo? Madalas noon nadadaanan ko sila sa living room masayang nagkukwentuhan kasama sina Mommy at Kuya. Ako dadaan lang dahil aalis ako. Kung noon ko pa siya siguro kinakausap, baka palagay na rin ang loob niya sa akin. “Paano ko ba siya papa-amuin? Mas maganda, umpisahan ko sa pamangkin kong si Thisa. Kung close na ako sa kanya, madali na ako makalapit sa kanila kapag nasa bahay si Ivy. Tama! ganoon nga

