Pasimple akong napapangiti dahil sa excitement na nararamdaman habang nakasakay sa jeep papunta sa bakeshop na pag-aaplayan ko.
Wala nang patumpik-tumpik pa at nilakad ko na papasok ang bakeshop. Ngumit ako Kay ma'am Zianna at ngumit ito ng magiliw pabalik sa akin.
"Good morning po" Bungad ko sa kanya.
"Good morning din, Fia. Upo ka muna, papunta na rin si ma'am Luzy, siya ang makakausap mo ngayon."
Sampung minuto ang nakalipas at bumukas ang pinto at sinalubong iyon ni ma'am Zianna at lumingon silang dalawa sa akin.
my gosh it's making me feel nervous, she looks intimidating...
Sa tindig pa lang ni ma'am Luzy mapapansin na itong elegante, maganda na may kunting pagka strikta dahilan na nagpabilis ng pintig sa aking puso, at kung postura ang basehan sa kanyang edad mapagkakamalan itong nasa 30 pa lamang.
Nang palapit na siya ay tumayo ako.
"Good morning po, ma'am."
"Good morning, take your seat" sagot nito.
"What's your name, ija?"
"Fia Isla Davis po, I'm 16 years old"
"Bakit mo naman naisipang mag-apply ng trabaho dito?"
"Ako na lang po kasi mag-isa ang bubuhay at magpapa-aral sa sarili ko kaya nag-iipon po ako."
"Can I ask you about your parents?"
"Kung kailangan po, sige po ma'am." mapait na ngumiti ako kay ma'am Luzy at saka humingang malalim.
"Nasaan na ba ang iyong parents? Bakit ikaw na lang mag-isa?" dahan-dahan at kalmado niyang tanong sa akin.
They left me...
"ahmm, si papa po wala na at si mama umalis na po. Wala rin po akong kapatid." sagot ko.
"sorry to hear that, ija,"
"okay lang po ma'am " nginitian ko ito.
Bigla ay may pumasok na lalaki at dumiretso ito sa counter. Familiar ang kanyang mukha at may katangkaran din ito. Seryuso ang ekspresyon nito at mahihinuhang propisyonal ito. Napako ang tingin ko sa lalaki hanggang sa makaupo ito sa kabilang upuan malapit sa bintana at nagsimulang kumain.
"May dorm kasi kami dito... kung gusto mo Fia stay in ka na lang dito. Open kasi tong bakeshop 24/7 pero may mga staff naman na naka schedule na magtatrabaho, at kahit maingay dito sa gabi hindi papasok ang ingay sa dorm dahil nasa taas naman ang dorm."
"Mas maayos po sa'kin kapag stay in ma'am, at tatanggapin ko po ang trabaho kahit anong posisyon." buong puso kong sagot at ngumiti nang matamis.
"Actually you can start now, Fia. But arrange your stuffs muna sa dorm para mamaya makapag pahinga ka bago magtrabaho." naka ngiti niyang sabi at saka tumayo.
"Thank you so much po ma'am Luzy!" tumayo ako at nakipagkamay sa kanya, napakaganda ng pakiramdam na ito.
[call]
Fia: hello, Lily?
Lily: yes, Fia. kamusta ang meeting ninyo?
Fia: Tanggap na ako Lily, grabi sobrang saya ko Lily. At alam mo napakaganda at napakabait ng mga tao dito tapos stay in ako dito kaya ang saya ko.
Lily: Yes, Fia. Sabi ko sa'yo you can do it eh. oh sunduin na kita at tutulungan kitang iayos mga gamit mo.
Fia: Sige, Lily. Thank you, see you.
...
Minuto ang nakalipas at nakita ko na ang sasakyan ni Lily. Ibinaba nito ang bintana at saka kumaway senyas para pumasok na ako. Pansin sa kanyang ekspresyon ang aliw at excitement na nararamdaman at kahit ako ay ganon din.
"I'm so happy for you, Fia. Mag-iingat ka lagi doon sa dorm mo at baguhan ka pa lamang doon, hindi mo pa masyadong kabisado and mga tao doon." pahintulot niya sa akin habang nagmamaneho.
"Oo naman, Lily. Ikaw din ingat ka. Para namang mag aabroad ako sa pamamaalam mo eh... Magkikita naman tayo araw araw." Patawa kong sabi sa kanya.
"hindi kasi diba may work kana, I assume na magiging busy kana niyan. It's just making me feel a little sad kasi diba noon sabay naman tayong uuwi hanggang bahay." sambit nito.
"Sabay pa rin naman tayong uuwi kung ihahatid mo ako lagi sa dorm..." pabiro kong sabi at saka nagtawanan kaming dalawa.
Matapos naming iayos ang lahat kong gamit ay nahiga kami pareho sa kama na may mga ngiti pareho sa labi.
"Maganda yong dorm, elegante tignan at saka komportable para sa isang estudyante kasi hindi maingay." ani Lily
"Oo nga eh, elegante din kasi yong may ari at kung mapapansin napakayaman, Lily"
"speaking of elegante... who's that handsome boy na nagbabasa ng libro sa loob ng counter?"
oh 'di ba napansin niya rin ang angking ganda nung lalaki. hayss
"I don't know him" tugon ko
Nahinto ang pag-uusap namin nang may tumawag sa kanya. Tumaya sya at sinagot niya ito.
"Pinapauwi na ako ni mama kasi may lakad pa kami ngayon. Una na ako ha at ilock lagi ang pinto, remember baguhan ka pa rito." Pagpapaalala nito sa akin.
"Yes, Lily. Ingat kayo" sagot ko sa kanya.
Pag-alis niya ay inihanda ko na ang aking sarili dahil magsisimula na akong magtrabaho. Inihanda ko na sa kama ang unipormeng binigay ni ma'am Zianna. Tiningnan ko ang orasan at alas 11 na nang umaga, At saka pumasok na ako sa cr para maligo.
Ma'am Zianna Mendez is the daughter of ma'am Luzy. Tumutulong lang sya sa pagpapalago ng kanilang bussines at basically she's the manager of this bakeshop.
Habang nagse-serve sa mga costumers ay may pumasok na lalaki, siya yong napansin kong pumasok kaninang umaga dito.
He's wearing simple white t-shirt partnered with black slacks and an ash grey hat.
That aristocratic looks... he's damn handsome!
"Nagawa mo na ba yong inutos ko sa'yo, Grey?"
"Yes, madame"
I can say he's handsome and has serious expression in his face. The first time I saw him lately in the morning, he's wearing jogging pants and sleeveless that made him more sexy.
Natigilan ako sa mga iniisip nang tawagin ako ni ma'am Zianna.
"Fia, did you check the orders online?"
"Yes po," sagot ko at napansin kong nakatingin sa akin ang lalaki.
"Ano yong details para sa orders nila?" tanong ni ma'am Zianna.
"50 pieces of almond turnover, 5 orders of cinnamon rolls, 50 pieces of croissants, and 30 pieces of English muffins. For drinks, 50 pieces of Taro love and 50 pieces of Boba milk. Yon po"
"Wow ang dami pero..." napahinto siya sa pagsasalita at natahimik kaming tatlo sa counter side, naghihintay sa sasabihin niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Grey at tumingin si ma'am Zianna sa kanya.
"Wala tayong delivery, kaya ikaw ang mag dedeliver sa ngayon." deritsahang tugon ni ma'am Zianna.
"Pwede namang si Chris na lang muna magdedeliver. I have meeting ngayon sa University namin." kalmado niyang sagot.
"Wala si manong Simone, and Chris take his leave for 2 weeks because kakapanganak lang ng kanyang wife." ani ma'am Zianna.
"what time ba yan idedeliver?" Grey asked.
"ngayon na, kayong dalawa ni Fia magdedeliver." bakas sa mukha ko ang pagkagulat ngunit mabilis ko iyong tinago dahil trabaho naman iyon.
Shit. This is going to be awkward...
Nakita kong tumango si sir Grey at sumenyas sa akin si ma'am Zianna para sumunod ako kay sir Grey.
Yes, sir Grey dahil magkapatid sila ni ma'am Zianna at mama nila ang may ari sa business na ito.
Nang handa na ang mga orders sa sasakyan ay pumasok na ako sa sasakyan at nagsimula na kaming bumyahe. Minuto ang nakalipas at nagsalita si sir Grey.
"location of this orders.." at kalmadong tumingin sa akin.
"Sa Magallanes street sir, doon sa bagong itinayo na construction site." sagot ko, kinakabahaan ako kunti dahil sa hindi malamang dahilan, siguro ay hindi lang ako sanay makipag-usap lalo na at mga bago ang aking nakakausap.
"I don't want to be called sir by the staffs of my mom's business. Si mama lang may ari and I am also just a part timer sa bussines niya. There's no reason to be called sir." ani Grey kaya tumango lamang ako sa sinabi niya.
shit. that's intimidating huh
Dalawang oras ang lumipas bago kami nakarating sa location ng pagde-deliveran.
Dumating kami sa construction site at tinulungan niya akong ibaba ang mga orders.
"From read&dream bakeshop delivery yan?" tanong ng isang lalaking may suot ng white hard hat, siguro siya ang engineer sa construction site na ito.
"Yes, sir. 31, 476 po lahat." at saka inabot niya sa akin ang bayad.
"Thank you po" ani ko.
"If you don't mind, I would like to invite you to have snacks with us..." nabigla ako sa sinabi niya at umiling lang ako. Ngumiti lang ito sa akin at kumaway saka pumasok na sa loob.
'di man lang ako pinilit... charot! By the way pogi rin, pag talaga inhenyero umiigting ang panga. hayss
"tara na?" napalingon ako kay Grey at saka naglakad na papasok sa sasakyan.
Buong byahe ay tahimik lang ako hanggang sa makarating kami. Pagdating namin ay diretso kaming pumasok sa counter.
"How's the delivery" ma'am Zianna asked.
"Ayos lang po" sagot ko.
...
Gabi na at iba na rin ang naka schedule sa baba. Pagpasok ko sa dorm ay natanaw ko mula sa bintana ang buwan na maaliwalas kasama ang mumunting bituin.
Pasado na ala 7 at tapos na rin akong maghapunan dahil sinabay ako ni ate Zianna na kumain sa malapit na restaurant, binilin din nito na ate zia na lang ang itawag ko sa kanya.
Kuya Grey din sana 'no? ay s**t landi ko na hehe
Binuksan ko ang bintana at hinayaang makapasok ang malamig na simoy ng hangin sa aking dorm.
I've never been in this kind of peace and freedom, but I miss my mother... it's just so loud to hear and feel her anger and hatreds for me. It is just so painful hearing her words, I would be glad if I see her. But I wouldn't going to show myself on her because I'm sure she will just throw painful words to me, and she will just make me think that I'm a worthless daughter.
I think it's better for now to just take care of myself alone, and focus on work because time is fast and a few more months classes will begin.
Nahimasmasan ako sa mahihinang katok galing sa aking pintuan at sa vibration ng cellphone ko, dali-dali ay nilakad ko ang pinto habang binubuksan ang phone ko.