"One order of hot Americano coffee and a two croissants, please. Thank you.." ani niya na may pagka intimidating ang dating. He was wearing a second year college students' uniform. At sa pagkakaalam ko ay uniporme iyon ng pribadong eskwelahang dalawang kilometro lamang ang layo dito sa bakeshop.
"Okay, thank you po" tugon ko habang wala sa sariling sinusulat ang kanyang orders.
Tinignan ko siyang pumunta sa bookshelf at pumili doon ng libro pagkatapos ay umupo at nag tugma ang aming mata kaya't mabilis kong iniwas ang aking tingin. Tumalikod na ako para kunin ang kanyang orders.
Habang naglalakad palapit sa lalaki para ihatid ang kanyang orders ay pinipilit kong alalahanin kung saan ko siya nakita.
"Enjoy your orders, sir.." saad ko at ngumiti pagkatapos ay naglakad na.
"Wait..." Biglang sambit nito nang hindi pa ako nakakalayo kaya't mabilis akon napahinto.
"Yes po?" Bumaling ako sa kanya at napansin kong natigilan din siya at mukhang may iniisip.
"I think I saw you.. somewhere..." Ani nito na nakatingin sa akin.
"ohh! you're the girl who came up suddenly in mrs. Fiantel's house, right?" maligalig ang tono sa boses na iyon.
Napaawang ang aking bibig sa narinig kong pangalang kanyang binanggit, it's my mother's name... dumaan ang lungkot sa aking isipan ng magbalik ang alaalang iyon. Siguro ay narinig ng lalaking ito ang ginawang pagtakwil sa akin ng aking sariling ina.
"ah... oo, ako yun." tugon ko sa kanya.
"Do you want to rent that house? Parang naunahan kasi kita doon pero hindi ko tinuloy yun dahil napakamahal ng upa."
Siguro ay lumipat na si mama dahil pinapaupahan niya na ang bahay. Napapaisip tuloy ako kung ano ang sitwasyun niya ngayon.
"hindi... may dinaan lang ako doon. Ahmm can I ask?" tanong ko rito dahil suminaw ang kuryusidad sa aking isipan.
"yes, what is it?" tugon nito
"May alam ka ba kung saan na nakatira si mrs. Fiantel o mayroon ba siyang sinabi sa iyo?" dahan-dahan kong tanong nito.
" I don't know where she goes after we talk kasi 'di ko na tinuloy yung pagrent after namin mag usap." sagot nito at tumango lamang ako.
"Okay, thank you." sabi ko at akmang tatalikod na nang magsalita ulit siya.
"by the way I'm Felix." sabi niya at inilahad pa ang kanyang kamay kasabay nang pagngiti.
"Fia." maikling saad ko at tinanggap ang kamay niya. Pagkatapos ay umupo na ito kaya't mabilis akong naglakad patungo sa counter.
Pagpasok ko pa lang sa counter ay bumungad si Grey doon na nakaupo at nagbabasa ng menu.
"at such a young age, and you already have a boyfriend?" he suddenly ask na nagpagulat sa akin dahilan ng paglaki ng aking mata.
ano na naman bang pinagsasabi ng lalaking ito? boyfriend boyfriend eh wala ngang manliligaw eh.
"Ano? boyfriend? costumer po iyon!" pagpapahayag ko at pinipigilan ang pagtaas ng aking boses.
"okay, sabi mo eh." saad nito kaya't napangiwi ako sa biglaang pagreact nito kanina. Tumayo siya at bahagyang huminto sa gilid ng aking kinatatayuan..
"Ang cringe niyo, may pa handshake pa. Yuck!" bulong nito dahilan na mas lalo akong napangiwi sa kanya. Humarap ako sa direksyon niya ngunit patuloy lang itong naglakad at pumunta sa second floor.
Ang sarap mo namang batukan Grey.
"yuck mo mukha mo!" mahinang boses na saad ko.
"what did you say??" kunot noo tanong sa akin.
"ay wala po, sabi ko po ang gwapo ng costumer ano? at mukhang mabait po talaga sya."
"edi wow" sambit niya habang nakatalikod at naglakad.
...
As time passes, alam ko sa sarili ko na mayroon sa aking sarili na kunting pagtingin kay Grey, he was so good to me, and his beauty is enough to make me mesmerize the things from him
Umaga na at linggo ngayon kaya walang trabaho sa bakeshop. Sinimulan ko na ang aking mga gawain at pagkatapos ay hinanda ko na ang aking sarili para pumunta sa school para sa aaplayang scholarship.
Habang naglalakad patungo sa entrance ng school ay tanaw ko ang ganda at laki nito. And San Cornell University. Isa itong pibadong eskwelahan na malapit lang din sa bakeshop. Kadalasan ko ring nadidiskobre na costumer sa bakeshop ay mga studyante rito.
Siguro ay mayayaman ang kadalasang andito at ang gara ng mga gusali nito... at ang laki laki ng unibersidad na ito- teka, si Grey ba iyan??
Pagkapasok ko pa lang sa entrance ay natanaw ko ang mukha ni Grey malayo
Tinignan ko nang maiigi kung si Grey ba iyon at hindi ako nagkakamali dahil si Grey nga iyon.
Naknampucha naman pati rito pala andito ang lalaking ito.
Sumakabilang daan ako para hindi niya ako makita dahil may parte sa akin na nahihiya ako sa kanya lalo na at mayayaman ang mga kaibigan nito.
Pagkatapos kong magpasa ng mga requirements ay saktong nagbreak ang mga professor kaya't naglakad ako papunta sa cafeteria.
"Hey! Fia.." napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses.
"Oy, hi!" Tugon ko kay Felix saka ngumiti.
"You are enrolling here?" He asked.
"Yes, kakapasa ko lang ng requirements ngayon"
"Papunta ka ba sa cafeteria? Doon din kasi ako, okay lang ba sa'yo kung sasabay ako?"
Nakakatakot naman 'to teh bigla-bigla na lang sumusulpot!
"S-sige" tugon ko kahit naiilang ako.
"What do you want?" Tanong niya sa akin.
"Ha?"
"Anong gusto mong ulam kako." Saad niya at lumapit pa kunti sa mukha ko.
"Ginataang gulay bibilhin ko, ikaw?"
"Ikaw?" Saad niya na kinalaki ng aking mataa sa gulat.
"Ako?"
"I mean... kumakain ka pala ng gulay?" sabi niya at ramdam ko ang pamumula ng aking mata kaya't iniwas ko ang tingin sa kanya.
Ang gulo naman nito kausap teh, napapahiya tuloy ako akala ko naman ako gusto niya. Sayang pogi pa naman 'to
"Ahh, oo naman. Bakit ikaw, hindi?"
"Kumakain ako ng gulay no.." tugon niya. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumaas ang boses ng staff sa cafeteria.
"Bibili ho ba kayo ma'am o mag-lalandian na lang? Madami pa pong nakapila po oh." Sabay turo sa likoran namin at napalingon naman kami. Ramdam ko ang hiya na bumalot sa akin nang pagtinginan kami ng ibang tao sa cafeteria.
"Nahiya kaba?" He asked habang nakasunod sa akin.
"Malamang" saad ko at umupo para kumain.
"Bakit parang tonong galit?" Kunit noo niyang tanong.
"Hindi ah" saad kong muli.
"Hinahanap ka ni mama." Kalmado, walang ekspresyon, at buong boses ang niririnig doon. Nakatayo si Grey sa gilid ng mesang aming pinagkainan ni Felix.
Wow, ang gwapo but looks quite raddled. Bad trip siguro ito...
"He's your boyfriend?" Felix asked
"No, he's my boss" saad ko at at ngumiti kay Felix.
"You are living? Bakit hindi mo sinabi agad para makahanap agad kami ng pamalit sa'yo.. sayang kasi maraming nag-aapply sa bakeshop pero nareject lang."
I was confuse and speechless at the same time, parang galit na galit kasi sya sa sinasabi nya...