R*pe 2

1633 Words
Chapter 14: Rape 2 - Narrator's POV - Sabado ngayon at napag-desisyonan ng buong club na gumala. Pumunta sila ng mall para mag-Shopping. Lahat sila ay magkakasama, including Cherry, Mika and Mia, Vincent, and Sandy. Masaya silang naglakad-lakad habang naghahanap ng mabibili. Nang magtanghalian ay nagsalo-salo silang kumain sa isang restaurant at masayang kumain habang nagkwe-kwentuhan. Pagkatapos nilang kumain ay nagpatuloy sila sa paglalakad sa loob ng mall at saka nila napag-desisyonan umuwi. Makalipas ang ilang oras nilang paglalakad ay makahapunan ay nagdesisyon na silang magsiuwian. Habang naglalakad sila palabas ay may namataan si Keira na lalaking nakatingin sa kanila. "Guys, may nakatingin sa atin, hindi ko alam kung tao o kaluluwa. Pero lalaki sya." Saad ni Keira habang nakatingin sa kung saan. "Baka nakatingin sa beauty ko." Saad ni Kalen at nagpalinga-linga. "Ayy, ang gwafou!!" Saad ni Kalen habang nakatingin din sa kung saan. Napatingin ang lahat sa kung saan sya tumitingin. Sa tinitingnan ni Kalen ay naglalakad pa punta sa gawi nila ang isang lalaking napakagwapo. Author, bat ang gwapo? Ito na ba si Mr. Write? (A/N: Mo? Hindi. Mr. Right yon, sis.) Sorry, kala ko left. "Hi... Im Jason Buenaventura." "Ang haba naman ng apilyedo mo. Baka gusto mong patungan first name ko. By the way, Im Kalen. Kaleny din, hihi." Saad ni Kalen habang nagpapabebe. "Ako pala ang malandi, ha?" Sakrastikong saad ni Thalia habang masamang nakatingin kay Kalen. "Inggit kalang, maganda kasi ako. Matuto kang gumalang sa mas nakakaganda sayo." "Hoy, bakla. Hindi ka si Candice, wag feeling." Saad ni Niki. "Whatever." Saad ni Kalen at inirapan si Niki. "I need your help." Biglang saad ni Jason. "What can i do for you, Mr. Write?" Saad ni Kalen at malanding hinahawakan ang balikat ni Jason. "Yung girlfriend ko kasi..." "Ayy, mali ka ng nilapitan. Makakaalis ka na." "Kalen!" Sabay-sabay nilang saway. "Ano ba yon?" Tanong ni Keira. "My girlfriend is dead for almost two years. I thought after her 100 days, she will going to rest in peace but she's still visiting me at night." Malungkot at natatakot na saad ni Jason. "What happened?" Malungkot na saad ni Keira. "She died because of an accident. Nasagasaan sya ng isang motor na tinakbohan lang sya." Saad ni Jason habang nagpipigil ng luha. Lumapit naman si Kalen sa kanya at inalo sya. "Let's go. Umuwi na tayo dahil mag-gagabi na. Pumunta ka nalang ng bahay bukas. Ibigay mo kay Kuya ang number mo. Sya na magtetext ng address namin." Saad ni Keira at kumaway sa lalaki bago umalis. Tinanguan ni Jason ang lahat bago sya tuluyang umalis, sumunod na ang lahat kay Keira. Pagdating nila sa bahay ay nagtataka ang lahat dahil sobrang tahimik ni Keira. Hindi naman ganon katahimik si Keira. Palagi itong nakikisabay sa tawanan nila. At nagsasakitan na sila Kalen at Niki, wala paring kibo ang dalaga. " Tawag ni Kalen kay Keira pero parang hindi sya nito narinig. "Hoy, sis!" Sigaw nya pero hindi parin ito kumikibo. "Hoy, Keira!" Sigaw ulit nya. Doon na humarap si Keira. "Ha?" Tanong nito. "Nakikinig ka ba?" Tanong nya sa kapatid nya. "O... O." Nag-aalinlangang sagot ni Keira sa kapatid nya. "Sis, ako pa niloko mo. Halatang hindi naman, diba? Ano ba kasing meron?" Tanong ni Kalen at tumabi sa kapatid nya at hinaplos ang buhok ni Keira. "Kasi si Jason..." "Anong ginawa sayo ng Jason nayon?!" Biglang sigaw ni Kalen. "Sabihin mo! Anong ginawa nya?! Nilapastangan ba nya ang pagkababae mo?!" Saad ni Kalen na may pagkaOA. Promise. Kunti lang. "Hindi ganon." Saad ni Keira at tumingin sa kawalan. "Ano ba? May gusto ka sa kanya?" Tanong ni Kalen. "Hindi. Yung girl instinct ko kasi. May sinasabi syang wag kong paniwalaan si Jason. Na nagkukunwari lang sya." Saad ni Keira at natahimik ang lahat. "Di ko alam. Totoo namang masakit yon, nakikita sa mga mata nya, pero kasi... Never pang nagkamali ang instinct ko." Saad ni Keira at tinignan ang kuya nya. "Sis, nagiging paranoid ka lang. Kalma mo lang sarili mo." Saad ni Kalen sa kapatid nya at hinaplos ulit ang buhok nito. "Wag kang mag-overthink, sis. Kung gusto mo, paniwalaan mo ang instinct mo o kaya maniwala ka don sa tao. It's still your decision. Basta ang sakin lang, don't judge too much. Di mo pa kilala yung tao, malay mo, mali pala ang instinct mo. Kilatisin mo muna sya, ok?" Saad ni Kalen at nginitian nya ang kapatid. "Magbihis na kayo. Bumaba nalang tayo ulit paghapunan na." Saad ni Kalen at iginaya ang kapatid nya sa kwarto. "Don't think too much. Baka kung ano-ano na maisip mo, at hindi pa makaganda yon. Ang ganda-ganda mo pa naman." Saad ni Kalen habang hinahaplos parin ang buhok ni Kiera habang ang lahat ay tahimik na pinapanood sila. "Ang bait na kuya talaga ni Kalen, nohh?" Komento ni Saira kay Kalen. "Oo. Kaya nga gusto ko sya, ehh." Wala sa sariling bulong ni Niki. "Ha?" Saad ni Saira. "Sabi ko, Oo. Kaya nga hanga ako sa pagiging kuya nya." Pagpapalusot nya. "Matulog ka na, baka pagod lang yan. Dami mong shinaping ehh. Baka ihampas ko sayo lahat yan! Nag-iinarte ka pa!" Saad ni Kalen na ikinatawa ni Keira. "Yiee. Ngumiti na sya." Saad ni Kalen at ginawaran ng halik sa noo ang kapatid nya. "Matulog ka na. Sasabihin ko nalang kay Manang na ipagtabi ka ng pagkain para pagnagutom ka, may makakain ka. Wag mo na kaming gigisingin, ha? Kakaltukan talaga kita." Biro ulit nya. Natawa ulit si Keira bago tuluyang pumasok sa kwarto. Ang lahat ay pumasok na sa kwarto maliban kila Niki at Kalen. "Nice show, Kal." Pang-aasar ni Niki kay Kalen. "Tse! Umalis ka sa harapan ko! Baka dalhin kita sa kama ko." Pabulong nitong saad. "Ayy, wild." Saad ni Niki at pumasok na sa kwarto. Natatawang pumasok na din sa kwarto si Kalen. - Keira's POV - Kagaya ng sinabi ni Kuya ay natulog nalang ako. Paggising ko ay mga tulog na silang lahat. Bumaba ako para tignan kung anong pagkain ang meron sa baba ng bigla akong mapatalon dahil sa gulat. Biglang may nahulog galing sa kusina. Ilang segundo pa muna akong nanatili sa kinatatayuan ko bago ako pumunta ng kusina. Pagdating ko ng kusina ay nandoon si Bryan na nagwawalis ng kung ano. "Diba bawal magwalis paggabi na?" Tanong ko habang papalapit. "Hep! Dyan kalang. Baka mabubug ka." Saad ni Bryan habang nakatapat sa akin ang kamay at parang pinipigilan ako. "Ok. Ok. Sige na. Gutom na ako." Pinaikot ko ang mga mata ko at naglakad sa kabilang bahagi. "Nagugutom ka ba? Gusto mong lutuan kita?" Tanong nito sa akin pagkatapos walisin ang natitirang bubug sa sahig. "Ayos lang. Nagpatabi naman si Kuya para sakin." Saad ko at hinahanap ang pagkain sa ref ng bigla... "Ahh!" Sigaw ko sa gulat. Muntik ko pang mabitawan ang platong hawak ko. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Bryan sabay yakap sa akin. Inilapag ko naman ang plato sa lamesa saka yumakap sa kanya. "P-parang may biglang dumaan sa h-harap ko. Nabigla a-ako masyado." Saad ko habang yakap parin ako ni Bryan. "Grabe... Masyado kang nagulat. Nanginginig buong katawan mo." Saad ni Bryan habang yakap parin ako. "Anong nangyayari dito? Bakit biglang sumigaw kapatid ko?" Biglang sulpot ni Kalen sa kusina. "Nagulat daw sya. Parang may dumaan daw sa harap nya. Muntik pa nga nyang mabitawan yong plato, ehh." Paliwanag ni Bryan. Bumitaw ako sa kanya at kay Kuya naman ako yumakap. "Kuya, natatakot ako." Saad ko habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. "Shhh.... Sige na. Gutom ka ba? Balik na tayo sa kwarto nyo. Ihahatid ko nalang ang pagkain mo." Saad ni Kuya at hinarap si Bryan. "Bryan, initin mo nga yan. Babalikan ko nalang yan, ihahatid ko lang si Keira sa itaas." Saad ni kuya at inalalayan akong makapaglakad. "Ahh!" Sigaw ko ulit dahil may nakita akong aninong mabilis na dumaan sa harap ko. "Keira! Keira! Calm down!" Saad ni kuya at tinutulungan akong makatayo dahil nabuwal na pala ako sa pagkakatayo. "Kuya... Ayoko na... Balik na tayo..." Umiiyak kong pakiusap. "Shhh... Tara na. Aakyat na tayo, di ka iiwan ni kuya. Tayo na dali, tutulungan kita." Saad nito at ganon nga ang ginawa namin. Nang paakyat na kami ng mamataan namin ang iba pa naming kaibigang pababa. "Anong nangyari sayo?" Tanong ni Niki at inalalayan na din akong tumayo. Bibitawan na sana ako ni kuya pero bigla ko syang niyakap. "Kuya... Wag. Wag mo akong iwan." Takot na takot kong saad. - Narrator's POV - Lumipas na ang ilang minuto ay nakatulog na si Keira. Nandito ngayon silang lahat sa kwarto nila Keira. "Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong ni Saira. "Sabi ni Bryan, sabi sa kanya ni Keira, may parang dumaan sa paningin nya. Kaya ganon ang reaksyon nya ay dahil may traumatic experience sya dati. Kaya pagnabibigla sya masyado, nagiging ganon yung acts nya." Paliwanag ni Kalen habang masuyong pinakatitigan ang kapatid nya. "Siguro, may nagpaparamdam kay Keira." Saad ni Bryan. "Pero bakit sa kanya lang?" Tanong ni Niki. "Im scared na, ha. Im so naaawa for Keira. He doesn't deserve this." "She." Madiing saad ni Kalen. "Ginawa mo pang lesbian ang kapatid ko. Si Niki lang naman ang ganon sa atin." Saad ni Kalen at tiningnan si Niki simula ulo habang paa. "s**t!" Mura nya sa isip ng makita ang suot ni Niki. Lumapit sya kay Niki at tinakpan ng kumot ang mga hita nito. "Takpan mo nga yan! Ang sagwa!" Pagsisinungaling ni Kalen. "Sino ba kasing nagsabing tignan mo?" Sakrastikong saad ni Niki at inirapan si Kalen. "Matulog na nga kayo. Ok na, tulog na sya. Kami nang bahala sa kanya. Alis na." Pagtataboy ni Niki sa mga lalaking nasa kwarto nila. Sumunod naman ang mga lalaki at si Kalen at nagpatiuna habang kumikimbot-kimbot pa. --- To Be Continued ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD