Simula

1290 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are neither the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission. --- PART OF HEARTTHROB SERIES You can also read the first part of the series; Book 1: A House With Heartthrobs Book 2: The Heartthrob's Love Other Part of the Series; Whisper of The Night (Published) Picture of You (Coming Soon) Chasing You (Coming Soon) The Goddess (Coming Soon) Extra Part; Kissed By The Sun (Coming Soon) --- Araw nang Sabado kaya naisipan namin magkakaibigan na tumambay sa condo ni Latrelle. Nagluto ako ng pop corn kasama ang nachos at naghanda ng softdrinks. Gawain namin kapag hindi kami masyadong abala sa trabaho ay nagsasama-sama kami tuwing linggo. Minsan kung hindi kami rito ay du'n kami sa apartment na tinutuluyan ko. May pagkakataon na gumagala sila kasama ako. Kagaya na lamang nang dinalaw namin si Kaoree sa probinsya kung nasaan siya. "Siksikan ha! Siksik pa kayo sa akin!" Rinig kong sambit ni Jez. Nang matapos ako sa aking ginagawa ay pumunta ako ng sala at nilagay sa center table ang pagkain. Umupo ako sa kanang couch habang ang tatlo ay siksikan sa gitna—sa malaking couch. "Horror movie?" Tanong ko nang dumagundong ang tunog dahil sa introduction ng palabas. "Oo. Gusto nang dalawa. Ang tatapang nga! Siksikan no." Tumaas ang kilay ni Jez sa dalawang katabi niya. "Si Marcus ayaw umayos ng upo kitang wala ng espasyo sa gilid ko." Reklamo ni Latrelle kahit ang laki pa ng pwede niyang upuan. "Kita mo 'yung mas sikip sa tabi ko. Ayaw mo pang sabihin na naduduwag ka." Nagpigil ng tawa si Marcus. "Kung hindi kayo nonood ibabahin ko na lang ang palabas." Nagbadyang ililipat ni Jez sa ibang channel ang nasa screen. Tahimik ang lahat habang kumakain kasabay manood ng Insidious. Unti-unti akong dinalaw ng antok at halos gawin ko nang kama ang inuupuan ko nang— "What the–! Grabeng mukha ng halimaw 'yan!" Bulalas ni Latrelle at nakatakip pareho ang mga mata niya gamit ng sarili niyang kamay. Pero kita pa rin naman niya. Pilit kasi nitong inaangat ang hintuturo niya paitaas ng kanyang kilay. Hindi ko siya pinansin. Ang mahalaga ay matutulog ako dahil hindi ko trip ang pinapanood nila. Inayos ko ang pwesto ko at— "AHHHHHH!!!" Sabay-sabay nilang sigaw. Halos matanggal ang kung anumang dumi sa tenga ko. Umayos ako nang upo at tinitigan silang tatlo ng masama. Nag-peace sign si Jez habang si Marcus ay yakap ang dalawa niyang mga hita habang nakaupo. Si Latrelle na kaninang nakataklob ang mukha ay yakap ang isang unan na kanina ay nasa tabi niya. Tumayo ako nang mapansin kong wala ng pagkain sa mesa at nagkalat ang popcorn sa sahig. Hinigit ni Marcus ang dulo ng damit ko. "Alak." Umiling ako. Para siyang batang lumabi. "Alak sana pampatulog ko para mamaya." Mahina siyang tumawa at yumuko. Tumango na lamang ako. Binuksan ko ang refrigerator ni Latrelle. Kada pupunta kami ay walang laman ang ref nito. Ang pagkain na kaninang hinain ko ay dala naming tatlo. Lumabas ako para bumili sa convenient store. Malalim na ang gabi kaya wala ng masyadong tao sa daan. Ang nagbibigay liwanag sa kalsada ay ilaw ng mga posteng malapit ng mapundi. Humihip ng malakas ang hangin. Sumabay ang sanga ng puno kaya nagbigay ito nang kakaibang tunog. Sa bawat hakbang ko ay sumasabay ang pagkaluskos. Huminto rin ako at huminto rin iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Dala lang siguro ito nang panonood. Nasulyapan ko kasi ng ilang beses 'yung kakaibang nilalang sa palabas. Tunog na lang ng tsinelas ko ang rinig sa bawat hakbang ko. Halos atakahin ako sa puso nang may itim na pusang tumalon sa harap ko. Galing siya sa bubong ng bahay kung saan ako malapit. Tumingin sa akin ang nanlilisik niyang dilaw na mga mata. Ilang segundo iyon at tila nagkasubukan kami kung sino ang unang gagalaw. Nang biglang may isa pang tumalon mula rin sa pinanggalingan nang naunang pusa. Isa siyang tagpian at hindi siya tumingin sa akin. May halong galit sa mata nang dalawang pusa nang magtagpo ang kanilang tingin. Nilagpasan ko silang dalawa at rinig ko ang kanilang mga meow sa malayo. Nang nakarating ako sa convenient store ay hindi lang alak ang binili ko. Habang tumitingin ako nang iba pang bagay na pwedeng bilhin ay kita ko sa salamin na may pumasok. Isang lalaking paslit na gutay-gutay ang damit at puro uling katawan. "Hoy! Labas bawal ang bata rito!" Saway ng kahera sa kanya. Kumunot ang noo ko. "Manghihingi lang po sanang pagkain para sa amin ng lola ko." Nanginginig na sambit ng bata habang hawak ang tiyan. "Wala! Walang pagkain dito. Magsialis na kayo!" Namutla ang mukha nang kahera. "Ayan na naman sila." Bulong nito nang lumabas siya sa counter para ayusin ang mga paninda na nasa kahon. Nakatungong umalis ang bata habang hawak ang tiyan niya. Nang matapos akong bumili ay agad ko siyang hinanap. Nakahinga ako nang maluwag ng matanaw kong nakaupo siya sa gilid ng kalsada. Kasama niya ang matandang babae na halos wala nang itim ang mga buhok. Bahid ang lungkot sa kulubot na mukha ng babaeng nakasaya na sayad hanggang lupa. Inabot ko sa kanila ang ilang piraso nang siopao kasama ang isang litro ng tubig. "Salamat, Kuya!" Aniya nang bata matapos na kumagat sa siopao. "Pagpalain ka nawa." Pilit na ngumiti ang matanda kahit nahihirapan. "Kayo rin po, Lola. Saan po ba ang bahay niyo nang maihatid ko kayo?" Lumuhod ako para magpantay kami. "Wala kaming permanenteng tirahan ni Lola." Sagot ng bata. Nagpakawala ako nang malalim na paghinga. "Kung hindi niyo po mamasamain nasaan ang mga kamag-anak niyo?" "Patay na ang mga magulang ng apo. Nawalan kami ng tirahan dahil kinuha ng mayaman ang lupa namin.Hindi ko na rin kayang magtrabaho dahil sa katandaan." Naalala ko sa kanya ang karamihan nang matanda na natulungan ng organization namin. Mga matandang walang sariling tirahan dahil inabandona ng pamilya. Ang iba ay ligaw at hindi na nakabalik sa kanilang probinsya. Nagbakasaling may magandang trabahong mahahanap dito sa syudad pero nagkamali sila. Kinapa ko ang aking bulsa kung may ballpen ako pero wala. Tinignan ko ang wallet ko. Kinuha ko ang piraso ng papel. "Kapag kailangan niyo nang tulong Lola ay tawagan ninyo ako." Inabot ko ang papel sa at tinitigan niya iyon pagkalapat sa palad niya. "Ako nang bahala dyan, Lola. Saka salamat ulit, Kuya." Wika nang apo nito. "Walang anuman lagi mong ingatan ang Lola mo." Bilin ko sa kanya. "Salamat ulit, Ijo. Saka gabi na. Umuwi ka na. Mapanganib na ang gabi. Bilog pa man din ang buwan." Tumingala ako sa kalangitan. "Nakakatakot Lola! Bilog na naman ang buwan." Sa tagiliran ng mga mata ko kita ko kung paanong yumakap ng mahigpit ang bata sa kanyang lola. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila bago tuluyang umalis. Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko. Muling lumamig ang simoy ng hangin. "Kuya, 'yung girlfriend mo naghihintay sayo." Kumunot ang noo ko sa mga salitang binitawan niya.Sasagot sana ako sa sinabi niya nang nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa. Jez Wyn! Nasaan ka na!? Maloloka na ko sa dalawang lalaking ito! Hindi ako maka-cr! Letse! Nagtipa ako ng mensahe. Malapit na. Bumili lang. -Sent Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Wala na ang malamig na hangin. "Ano nga ulit 'yung—" napakamot ako sa ulo. Nagkibit-balikat na lamang ako saka tuluyang umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD