I'm still not okay nang bumaba ako mula sa private plane niya. Napahawak naman ako sa railings nung rooftop nang biglang umihip ang malakas na hangin. Nasaan kami? Napatingin naman ako sa baba.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pamilyar ito. Nasa mansion kami? Nagkasya ang private plane sa rooftop ng mansion niya? Dali-dali akong bumaba pero napahinto ako sa pagod dahil sa taas ng hagdan mila 4rth floor to 3rd floor. Humihingal ako nang umabot na sa second floor. Napanganga talaga ako dahil di ko inakalang nasa mansion nga kami. Nasaan yung mga kaibigan niya? Bakit ang tahimik naman? Naisipan kong dumiretso sa aking kwarto. Pero nanigas ako saking kinatatayuan nang marealize na sa kwarto niya pala ako namamalagi noon. Tinatagan ko ang loob at binuksan iyon. Akala ko nandun

