Kabanata 3

1031 Words
Naging maganda ang tulog ko kaya maganda ang gising ko kinabukasan.Tinawagan ko muna si Tita. "Good Morning tita, hindi ako naka tawag kagabi kasi lowbat na lowbat phone ko. Sorry po" "okay lang nak, musta ang byahe?" "okay lang naman po, tulog lang po ako buong byahe" "buti naman kung ganun, musta jan? Naka kain ka ba? Nakatulog ka ba ng mabuti?" "Mababait po sila dito, nakaka hiya nga po eh. Pinagluto ko po sila at tuwang tuwa sila kasi masarap daw. Okay naman po ang tulog ko." "Mabuti kung ganun, mag iingat ka jan ha." "Eto pa tita pag aaralin daw nila ko at yung gusto ko pang kurso. Matutupad ko na ang pangarap ko, matutuwa nito sila mama" excited kong kwento. "jusko po, salamat sa diyos. Ipagpalain sila ng may kapal" umiiyak na sabi ni tita. "Gagawin ko po ang lahat makapag tapos lang" marami kaming na pag kwentuhan hindi nagtagal natapos na rin ang among tawagan kaya bumaba na ko. Naglibot libot muna ko hanggang sa napadpad ako sa may swimming pool, nandun ang magkapatid.Naka swimming trunks si jester at kitang kita mo ang makatulo laway niyang abs. "Ash pakisara ang bibig baka pasukin ng langaw" mas nahiya ako ng makita kong pinipigilan ni jester na ngumiti. "Ha? Hindi ah. Sinong naka nganga? Ikaw tweety wag kang nganga ha, bad yun" buti nalang naka kita ako ng ibon. "baliw haha Tara nga dito samahan mo kami" sabay pa silang tumawa ng malakas kaya mas lalo akong nahiya. Feeling ko tuloy nahuli ako sa isang krimeng hindi ko ginawa. "Mukhang nagkakasiyahan kayo ha" napalingon kaming lahat kay tita na may dalang mga pagkain. "kasi po mommy etong si Ash tulo laway na nung Nakita niya abs ni kuya" "naku hindi po, yung swimming pool po talaga ang tinitignan ko ang lawak po kasi" todo iling pa ko para sabihin hindi yun totoo. "haha wag niyo na nga asarin si Ashley, tignan niyo pulang pula na mukha niya" nahihiya na talaga ko bakit kasi napanganga pa ko. "Tara samahan mo ko mag swimming." pag aaya ni Laura kasi umahon na kuya niya. "ah eh hehe wag na, nakaka hiya" may sekreto akong tinatago. "bakit naman" inosente niyang tanong kaya pinalapit ko siya. "butas ang bra at panty ko" Bulong ko sa kanya kasi nakaka hiya. "ano ka ba, pag nakapag enroll na tayo magshoshopping tayo" naligo nalang kami at kumain. Halos wala kaming ginawa magdamag nanuod ng movie, Kumain, nag bake yun lang. Nag aadjust parin ako pero pinaparamdam nila sa akin na hindi ako iba sa kanila kaya magaan ang loob ko sa kanila. Kinabukasan maaga kaming nagising para mag simba. Naka simpleng Off shoulder dress lang si Laura, Floral dress si tita at Vneck sweater at jeans si jester pero angat na angat ang ganda nila nag mukha tuloy akong yaya kahit totoo naman. Pagkatapos magsimba, nagpunta kami sa isang french restaurant. "Bonjour" bati sa amin pagka pasok namin. "Bonjour" sabay Sabay nilang bati habang ako naka nganga. "Pikachu" sabay Sabay nilang sabi "uy Ash ang kalat ha" saway sakin ni Laura ngunit nakangiti. "kala ko kasi ang sabi niya ay bulbasaur kaya pikachu sagot ko" napa iling nalang sila sa katarantaduhan ko. Umupo na kami at binigyan ng menu. "Je veux du steak frites" sabi ni kuya jester (I want steak frites) "Ano ang gusto mo iha?" sabi ni tita habang nag titingin sa menu. "Ahm wala po akong alam sa pagkain nila tita" nahihiya akong mag tingin kasi hindi ko alam ang pagkain nila at parang ginto ang presyo. "Trois Français Soupe à l’oignon, deux Bouillabaisse et une navarine à jarret d’agneau. Un Souffle " sabi naman ni tita. (Three French Onion Soup, two Bouillabaisse and one Lamb shank navarin. One Soufflé)Umalis na yung Waitress kaya napaupo ako ng tuwid. "Are you okay?" tanong ni kuya jester "Naku kuya jes dont engrish engrish me. You want to eat ur House?" Trying hard kong pag eenglish "Pfft. Ano? Hahahahaha. Gutom lang yan Ash" napapalingon na ang ibang tao sa mesa namin dahil sa lakas ng tawa nila. "Ang ibig kong sabihin Ash, okay ka lang? Kanina ka pa kasi tahimik" pagpapaliwanag ni kuya jester. "ahh okay lang po, nag iisip lang po ako ng kanin wala po kasi akong Nakitang kanin sa menu.Sana pala dinala ko nalang yung kaldero ng kanin natin. " Napailing nalang sila dahil sa sinabi ko. "Voici votre Ordre Madame, Monsieur" Nilapag nila ang order namin at nilantakan na namin.Hindi rin kami nagtagal kasi kailangan pa namin mag ayos ng gamit. (Here is your Order Ma'am, Sir) "Je vous remercie. Revenez" Sabi ng guard bago kami umalis. (Thank you. Come again.) Umuwi na kami agad dahil mag aayos pa kami ng gamit at sasama na ko kila Laura sa condo nila.Sila lang ni kuya jester ang tao dun kaya minsan daw puro fastfood lang ang kina kain nila at hindi maganda yun sa katawan.Nag early dinner na kami para sabay sabay kami. "oh iha sumabay ka na kay Laura bukas magpa enroll para may kasama naman siya at baka maligaw ka pa" "opo tita, maraming maraming salamat po talaga sa inyo." "walang anuman, naging mabait ang mama mo sakin nung walang wala ako" na alala ko na naman sila mama. Ma matutupad ko na ang pangarap ko, mahal na mahal ko kayo. Pagkatapos naming kumain nag ayos na kami at umalis na.Si Laura ngayon ang nag drive dahil masakit ang ulo ni kuya jester. Dumaan na muna kami sa grocery at wala na silang stock. Nadamay pa tuloy yung mga kailangan ko kahit kaya ko namang bilhin yun. Nakarating kami sa condo ng 7pm kaya kitang kita mo ang mga ilaw sa syudad lalong lalo na nasa taas kami ng building dito sa makati. "Diyan din ang paborito kong pwesto. Tahimik, mapayapa, kala mo walang mga problema ang mga tao pero pag nasa baba ka na nagmamadali lahat ang mga tao." napalingon ako kay kuya jester, mabait siya kahit kaki kilala lang namin. "Kuya." "Hindi masama maging malungkot Ash. Hindi masamang magpakatotoo" nangiti ako sa sinabi niya.Tinapik niya ko sa likod bago pumasok sa kwarto niya. Follow, Comment, Vote and Share ❤️?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD