Deimos pov
PRINCESS ORPHAN
" I'm glad you came Mr. Monteverde, hindi mo ata kasama ang asawa mo?" Mrs Althalia Azael Grazter Madrigal.
Bigla namang sumingit si Bright at may binulong sa kanyang lola.
" Is this true? Naaksidente ka Mr. Monteverde?" tanong niya saakin.
Ano naman kaya binulong nitong si Bright.
" Mamita... Si Deimos ay walang maalala."
" wag po kayong maniwala kay Bright.. I'm totally fine.. Naalala ko naman ang lahat."
Pero iba ang tingin sa akin ng dalawa.
" Mamita gusto kasi nila Valen ang katulong niyang si Gaia.. akala nga nila ay isasama ni Mr. Monteverde ang KATULONG nito.." Bright
" Really...? Well the triplets is into to her. Next time Mr. Monteverde isama mo naman siya.."
" Manang is with me. Siya lang kasi ang katulong ko na pinagkakatiwalaan ko. Beside she knows all my transactions. "
" Hahaha yeah right Deimos." sambit nito.
Loko loko talaga siya.
Biglang sumingit ang asawa niya.
" Mamita, hinahanap ka papayowh. "
" Ok.. Excuse me Mr. Monteverde... hinanapan na ako ng kabiyak ko. "
Pagkaalis nito ang mag asawa naman ang kumausap sa akin.
" Deimos, hindi ko inaasahan na ibang katulong ang isasama mo." Vana Pearl
" Sino ba naman kasi tinutukoy niyo na gusto niyong isama ko? "
" hahaha malamang yung mas batang katulong mo..." Bright
" tsk.. Type mo?" tanong ko sabay inum ng wine
" Hoy! nasa tabi ko lang ang asawa ko... kung ano ano sinasabi mo dyan."
" Biro lang Vana...masyado na kasing madaldal itong asawa mo. "
" no worries Deimos... hindi ka din naman papayag na may aagaw sa KATULONG mo. " Vana Pearl
Napatingin ako sa sinabi niya.
" are you saying that I'm having affair with my maid? "
Nagkatingin ang mag asawa tsaka sila tumawa. Mga baliw talaga sila.
" Hey! Can you give this to Ate Gaia? " biglang sulpot ng isa sa mga triplets
Inabot niya saakin ang isang bulaklak. Isang Red Rose
" Ok... "sagot ko
" And also this. " abot niya saakin ulit ang isang maliit na box.
" I was the one who design this kwintas.. their couple actually... Give it to her and tell her that the one, give it to her manliligaw. "
Kumunot ang noo ko
Manliligaw??
" How did you know na may nanliligaw siya?"
" Deimos... kilala mo ang angkan ko. Isa siya sa mga halimaw kaya wag ka ng magtaka sa nalalaman niya. " Vana Pearl
" baby doon ka muna sa mga kapatid ko, usapang matatanda dito." Bright
Umirap lang ito. Ang totoo hindi ko alam kung si Valen ba ito o yung Lucy. Magkamukha kasi sila..
" mga anak ko talaga gustong gusto nila si Ate Gaia nila. " Bright
" Oo nga pala Deimos.. yung Esteban na humahanting sayo. Nakapasok na sila dito ano pala balak mo sa kanila?" Bright
" Gaya ng dati kailangan ko silang kalabanin."
Napalingon ako kay Dexter at Manang na para bang hindi sila mapakali.
Napansin naman nilang nakatingin ako kaya lumingon din sila kina Manang.
" Why? " Vana Pearl
" I'm just wondering because they're very worried about that maid....so weird "
" Gaia is si fragile..." Vana Pearl
" pero katulong lang siya. Hindi ko nga maalala na kinuha siya ni Manang para maging maid sa bahay.."
Hindi umimik ang mag asawa.
" masyado kasing matigas ang ulo mo kaya nabagok. Hindi mo ba alam na may amnesia ka? " Bright
" Alam ko.. "
" oh kita mo... Di wala kang amnesia. " Bright
" Magulo ka talagang kausap... Tsk"
Biglang tumayo si Vana
" Doon muna ako kina Jaira..."
Kami nalang dalawa ang naiwan.
" Deimos isa lang ang ipapaalala ko sayo, wag mong sasaktan si Gaia." babala niya saakin.
Pati ba naman sila?
" Masyado kayong concern sa katulong ko..."
" Ikaw din baka magsisi ka kapag nalaman mo kung ano at sino siya sa buhay mo. Lalo pa ngayong may umaaligid sa kanya. "
Parang kinabahan ako sa sinabi ni Bright.
" Bright.. I think we have to go...malayo pa ang biyahe namin. "
" Sure sasabihin ko kina Mamita.. And thank you sa mga gift na binigay mo sa mga bata. Isa kang dakila. "
" Ulol... tara na magpapaalam na ako sa angkan mo"
10pm na ng makarating kami sa bahay. Bakit parang walang tao.?
" Manang bakit parang walang tao?"
" Ha? Naku..." patakbong pumasok sa bahay si Manang
" Dexter matutulog ka ba dito?"
" Uuwi ako Master. Nasa bahay kasi ang mga ibang papers para bukas."
Nagpaalam na ito kaya pumasok na din ako.
" Manang kape nga Please! "
" Deimos si Gaia wala siya sa kwarto niya."
Tsk
" Ano naman ngayon Manang?"
" ano ka ba namang bata ka.. gabi na wala pa siya. "
" Baka nakipagdate lang siya manang... yung kape please!"
Umakyat na ako dala dala ang rose at isang maliit na box na binigay ng anak ni Bright.
Napatingin ako sa rose..
" Ano bang special sayo babae ka? Masyado kang epal sa iba? "
Bumukas ang pinto.
" Deimos ito na ang kape mo. "
Halata kay Manang na nag aalala nga ito.
" Manang matulog ka na... Hihintayin ko nalang siya ."
" sige..."
Pagod kasi si Manang dahil malayo layo ang biyaheng pinuntahan namin.
11pm ng may narinig akong sasakyan. Sumilip ako ng makita kong nakangiti ang katulong sa isang lalaki.
Bumaba ako para sunduin ito sa gate. Hindi ko alam bakit bigla akong nainis sa nakita ko.
" salamat Gelo sa pagkain..."
" Wala yun basta ikaw Earth..." sabi ng lalaki
Earth??
" Hoy babae!"
Mukhang nagulat naman ang dalawa.
" D-Deimos?"
" gabing gabi na pero nakikipagharutan ka pa dyan sa labas. Alam mo bang pinag aalala mo si Manang.? Ikaw nagpapakasarap sa lalaki mo! "
" Boss wag mo namang sigawan so Earth ng ganyan. Sinama---"
" Halika na!" hinatak ko ito papasok ng gate
" aray Deimos nasasaktan ako"
" Boss wag mo naman basta hatakin si Earth hindi siya pwedeng masaktan---"
" Ok lang Gelo.. sige na mauna ka na. Ok lang ako."
" Pero Earth---"
" Umalis ka na...."
Hinatak ko ito papasok ng bahay tsaka siya itinulak sa may couch.
" D-Deimos... "
" Shut up!... ikaw nagtitimpi na ako sayo. Diba katulong ka lang dito? Bakit kung umasta ka ay para kang Reyna dito? Gabing gabi ay nasa labas ka pa kasama ang lalaki mo. Bakit naghahanap ka ba ng mayamang lalaki para makaalis ka bilang katulong?? "
Pak!
Nagulat ako dahil binigyan niya ang ng malakas na sampal.
" wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan. Pagod na ako umintindi sa ugali mo Deimos... Ayoko na.! "
Bigla akong natahimik ng sabihin niyang ayoko na.
" Wala ka ring karapatang sampalin ako dahil katulong lang kita!" sigaw ko sa kanya.
Tumalikod ito at aakmang aalis..
Hinawakan ko ang braso niya upang pigilan.
" kinakausap pa kita! "
Winaksi niya ang kamay nito kaya napaupo siya.
" Deimos!" sigaw ni Manang
" jusme Gaia... " inalalayan nitong tumayo.
" Ano ka ba Deimos bakit mo siya sinaktan?" Manang
" sinampal niya ako Manang!"
" Manang ok lang ako..." sambit nito
" pagsabihan niyo ang babaeng yan...malaman ko pang nakikipagkita siya sa lalaking yun. Masasaktan talaga siya saakin!"
Umakyat ako sa kwarto. Hawak hawak ang psingi kong nasampal
Hindi ko alam bigla nalang nag init ang ulo ko sa nakita ko kanina. Hindi ko din alam bakit para akong nagseselos.
Gaia pov
" Ano ka ba namang bata ka... Bakit ka ba kasi ginabi? "
" Kumain lang naman po kami ni Gelo manang.. hindi ko alam bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Hindi ako naiistress."
" Kahit na.. sa susunod wag ka ng magpakagabi ha.. natakot ako kanina ng makita kitang nakasalampak na sa sahig... sinaktan ka ba niya? "
" hindi Manang... binawi ko lang ang kamay ko napalakas lang siguro kaya napaupo ako. "
" Jaske kang bata ka... mamaya ay kung ano mangyari sayo pati dyan sa baby niyo. "
" Manang nahihirapan na po ako... gusto ko ng bumalik sa amin. " hindi ko na kasi mapigilan ang iyak ko.
Napatigil naman si Manang. Alam ko hindi siya papayag dahil buntis ako.
" Gaia... mag tiis ka muna habang wala pa siyang maalala.. sige na Gaia. Magmula ngayon babantayan na kita. "
Niyakap ako ni Manang.
Kinabukasan
Mainit na naman ang ulo nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero ang sabi saakin ni Manang ay wag ko nalang daw itong pansin.
" Manang! Manang! "sigaw na naman niya.
Sabay kaming kumakain ni Manang ng malagkit. Gumawa kasi ito dahil yung ang gusto kong kainin.
" Manang! Sino nag ayos ng mga papers sa library? "
Natigilan ako. Ako kasi ang naglinis noong isang araw.
" Hindi ako Deimos.. Baka si Dexter."
" tinanong ko na sa kanya hindi daw niya alam. Kailangan ko yung ibang papers doon para sa gaganaping Auction bukas. "
Napatingin naman saakin si Manang.
"Kasi--ano--"
" Hoy babae ikaw na naman ba ang nag ayos sa library?" baling niya saakin.
Tumayo ako at yumuko.
" so ikaw nga!?"
" anong papers ba kasi yun?" tanong ko nalang.
" yung nakalagay sa isang folder na may mga drawing...!" sigaw niya saakin
? Mukhang naitapon ko sa basurahan ata yun. Patay ako!
" ano na!?"
" Deimos!" suway ni Manang
" what Manang!? "
" kasi--parang naitapon--"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng hinatak na naman niya ako.
" Deimos ano ba nasasaktan ako! "
" talagang masasaktan kita! Alam mo ba kung gaano ka importante yung tinapon mo.. Halos kahalating billion ang halaga! "
" Deimos! Deimos! "
" stay out of this Manang! Namumuro na saakin ang babaeng ito!"
Hinatak niya ako palabas hanggang sa may gate.
" Deimos please! "pagmamakaawa ko.
" Pakealamera ka talaga... "
" Ngayon hanapin mo ang mga papers na yun..dyan sa basurahan! Hindi ka makakapasok hanggat hindi mo mahahanap yun! F*ck! " muntik na akong mabuwal sa pagtulak niya saakin sa basurahan.
Halos masira na ata ang gate sa pag kakasara nito.
Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Hindi dahil sa sakit ng pagkakahawak sa akin kundi ang mga salitang binibitawan niya saakin.
Bigla nalang bumuhos ang ulan...