Phobos pov Noong isang araw pa umamin saakin si Dexie. Hangganhg ngayon ay hindi ko pa siya gaanong kinakausap dahil sa ginawa nila. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit... Flashback Narinig kong nag uusap si Elo at ang asawa ko. Sinundan ko kasi ito dahil gabing gabi ay pumuslit ito sa resort. Wala si Page nasa Manila daw kaya si Elo lang ang umuwi ng Ilocos. " Elo... hindi ko na kaya. Nagkakasala na ako sa asawa ko... malalagot din tayo kina lolo kapag nalaman nila ang ginawa mo..." Totoo ba ang naririnig ko? Nagkakasala? " Pinsan.... paano ko itatama?" " Kailangan mo ng ibalik si Gaia sa totoong siya....nagkakalapit na ang mag ina. Ikaw na din ang nakakita na pinagtatagpo na sila ng tadhana... " Naguguluhan ako sa pinag uusapan nila. " Kilala mo sina lolo... l

