Gaia pov
Gabi na naman, gutom na ako. Ganito talaga ako kapag nakakakita ng baril at lalo na kapag nakakarinig ako ng putok ng baril. Hindi ako takot kay Kookie.... hindi lang ako sanay sa ganun action.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago naisipang lumabas..
Paglabas ko nakasalubong ko si Manang na may dala dalang thermometer.
" jusko Gaia... mabuti naman at lumabas ka na... dahil hindi ko na alam gagawin ko kapag dalawa kayo ang pasyente ko ngayong gabi."
Nagtaka ako sa sinabi niya? Anong ibigsabihin nabaril ba ang asawa ko?
" Manang wag mo g sabihin nabaril si Kookie??"
Parang naghihisterical na ako...
" Naku hindi Gaia...nilalagnat ang asawa mo.. nagtataka nga ako at biglang nilagnat. Kanina naman ay okey siya..."
" Ano po bang nangyayari sa kanya manang?"
" Ewan ko ba... sabi niya ay hindi na ito kakain dahil hindi maganda pakiramdam..nang hinawakan ko ang noo nito maiinit... kaya heto dala dala ko ang thermometer... "
" Manang ako na po gagawa sa kanya... maghanda nalang po kayo ng pagkain naming dalawa.... Ako na po mag aalaga sa kanya. "
" Ikaw ba'y okey na rin Gaia...? tinakot mo akong bata ka... "
" na trauma na kasi ako Manang... Kaya hindi maganda ang epekto saakin ang nangyari sa Amanpulo. "
" Oh siya.... Heto ang thermometer... at gagawa ako ng pagkain niyong dalawa... "
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa kwarto. Bakit dito sa Guest room siya natulog?
" Kookie?.... Kookie...? "
Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang noo nito.
" G-Gaia!?? "
Mainit nga siya... bakit kaya siya mainit?
" Anong ginawa mo at nilalagnat ka?"
Tinignan ko itong nanginginig....
" Pagod lang siguro ako Honey... M-magiging Ok din ako mamaya..."
Pinalo ko ang kamay niya at napaaray naman ito.
" Nandito ako para alagaan kita..."
Nilagay ko sa kili kili noya ang thermometer...
" wag kang malikot diyan..."
Bumangon siya at sumandal siya sa headboard.
" Honey..? Yung nangyari noong sa Amanpulo.... gusto ko sanang... ----"
"hindi ako galit Kookie...Hindi ako natakot sayo kung yang ang akala mo... hindi lang talaga ako sanay... natrauma na ako noon pa... ni hindi ako pinapanood nila Papa noon ng barilan... dahil hindi nagiging maganda ang epekto saakin. Nawawala ako sarili kookie... nakatulala lang ako sa isang araw na parang walang naririnig... ni wala akong nakikita sa paligid ko kundi ang eksenang nakita ko... Sorry kung sa tingin mo ay takot ako sayo. Si Vana ang nakapag explain saakin kung ano ang badside na sinasabi niya... nagpapasalamat ako dahil pinaintindi niya ang layunin niyo sa mundong ito. "
Nakatingin lang ito saakin at hawak hawak ang kamay ko.
" Forgive me Honey... if I didn't tell you about my alter ego. I just don't want you to scare me and leave me suddenly. Fear preceded my heart Gaia... I'm a coward to the people I loved, because I can not even take care of you... I don't want to lose the people who are important to me... Manang... Dexter...and you. In just a short time I was with you ... I can no longer afford to lose you by my side... Honey accept me or not I'll be your side forever. "
Halos sabay na pumatak ang mga luha sa aking mga pisngi....
" Deimos... Ikaw lang tumanggap sa akin bilang ako..., ikaw lang nakapansin na isa pa pala akong tao... hindi ko nakakalimutan na may isang lalaking pinakita na may mundo pa akong makikita... inalis mo sa akin yung madalim na mundong naranasan ko ng ilang taon. "
Napapikit ako sa paraang paghaplos niya sa pisngi ko upang punasan ang luha ko.
" Gaia wag mo akong iiwan ha!? Hindi ko ata makakaya kapag pati ikaw ay mawawala pa...."
Ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya.
" iiwan lang kita kapag ikaw na mismong magpapataboy saakin sa buhay mo..."
Umiling ito...
" Kailanman ay hindi ko gagawin yan honey... "
Nagkayakapan kaming dalawa.
Pero.....
Sniff... Sniff sniff....
Anong amoy yun?
" Ah K-kookie??... naligo ka ba ng bawang or turmeric?? "
Para itong nagulat sa sinabi ko.
" Oh---Gaia bakit mo inaamoy si Deimos?? " bigla ng pasok ni Manang.
" Para kasing may naamoy akong bawang manang eh... At Luya ata..." amoy pa din ako ng amoy sa asawa ko.
" Bawang??... Deimos?? Ikaw ba ang kumuha ng bawang sa kusina kanina?" Manang
Biglang tumayo si Deimos at may kung anong nahulog sa kama...
Ngiii bawang at luya??? Adik ba siya??
" Naku ang batang ito alam ko na---"
"Manang.... g-gutom ako...!"
" Eh bakit bawang at luya ang kinakain mo...?" Tanong ko...
" Manang please...." parang tinataboy niya si Manang sa kanyang tonom
Nilingon ko si Manang na nakangitong aso. Mag amo nga sila....
" Oh siya..... kumain na kayong dalawa....matutukog na ako dahil madaling araw na oh...maiwan ko na kayo.."
Pagkalabas ni Manang umupo ito at pinulot ang mga bawang at luya.
" I need to take a shower first honey..."
" HA? pero nilalagnat ka kookie... Baka mabinat ka. "
" No I'm not Honey... I'm just pretending a while ago... tinuro lang saakin ni Bright para magpapansin sayo... Tsk and it sucks"
Napangisi naman ako. Ganun na ba ngayon nag nagpapapansin? Nagpapanggap na may sakit.
" Wag kang ngumisi dyan Honey... tsk"
" dalian mo... gutom na ako..." yun nalang nasabi ko.
After niyang naligo kumain kaming dalawa. Dahil nga hindi ako kumain ng maghapon... napadami ang kain ko.
" Alas tres na pala... kookie tulog na tayo..."
" Sa kwarto na tayo matulog....hindi ako makatulog kapag hindi ko kama. " sabi niya
" Bakit kasi dito ka natulog kanina... ang luwang ng kama natin..."
"Paano ako matutulog sa tabi mo hindi ka nagsasalita... ni di mo ako matignan..." kunyareng tampo.
" Tampo ka na niyan?? ikaw kaya may phobia...."
Niyakap naman niya ako.
"Sorry Hon... Matulog na tayo."
" Oo nga pala may pasok ka pa bukas.... ay mamaya na pala..."
" Hindi ako papasok.... Gusto ko nasa tabi lang kita sa buong araw."
"kadugtong pa ba ito ng honeymoon natin???" tanong ko na ikina pula ng pisngi niya.
" Stop trying to seduce me Honey... baka aabutin tayo ng tanghali... I want to feel you in my arms Hon...just like this.." patalikod niya akong niyakap. At pareho kaming natulog na may ngiti sa mga labi.
Tanghali na nga kami nagising ni Kookie...naunang bumangon si Kookie at dumeretso sa banyo... ako nakahilata parin... inaantok pa ako pero kailangan ng bumangon.. Miss ko na si Kookoo.
" Sunod ka nalang sa baba... Ako magluluto ng pagkain natin..."
" Ok..." tipid kong sagot.
sumunod naman akong pumasok sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ngumiti ako dahil dati... wala akong katabing natutulog maliban kay Kookoo... ngayon meron na... si Kookie.
" This is a reality Gaia Earth... new chapter of your life."
Nag toothbrush na ako at naghilamos tsaka ako bumaba. Sumalubong saakin si Kookoo na nagpapakitang gilas pa.
" Namiss mo ba ako Kookoo... ako kasi Miss na miss na kita... Nagpakabait ka ba dito kasama si Manang? "
Tumahol naman ito na parang sumasagot sa tanong ko.
" Halika ka na kakain na tayo kasama si Daddy kookie..."
Kitang kita ko ang asawa ko na naka apron at nakaharap sa lutuan.
Sinilip ko ang niluluto niya. Habang buhat buhat si Kookoo...
Napalingon naman ito at nagulat dahil halos mahalikan na niya si Kookoo...
" gesh! Hon...pwede ba ilayo mo nga si kookoo saakin... halos mapatalon na ako sa gulat..muntik ko pang mahalikan.. ."
" Arte ka naman... ayaw ka naman niyang halikan eh..."
" So am I..." nagsusungit na naman ang loko.
" GoodMorning Mam Gaia... Master?" bungad ni Dexter. Kahit kailan talaga si Dexter araw araw naka Americana... di ba siya naiinitan sa suot niya?
" GoodMorning din Dexter... kaso afternoon na... Hehehe"
" Napasarap ba ng tulog?" tukso niya saakin
" Madaling araw na kaming natulong ni Kookie eh.." sagot ko.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
" Dexter!... Ikaw ang igigisa ko dito kung hindi mo tigilan yang iniisip mo... Tsk"
"Master talaga... Wala naman akong ibigsabihin yun eh... Ah Oo nga pala Mam Gaia... Ok na yung bahay niyo. Gusto mong makita?" Dexter na nagkakape sa pinakadulo ng mesa.
" Talaga?... Kookie.. pwede bang magpasama sayo?"
Lumingon naman siya saakin at binalik ang tingin aa niluluto.
" not now Hon... Magdedate tayo ngayon.. "
" Date??? as in date gaya ng manood ng sine? Kumain sa labas?"
Pinatay niya ang niluluto at nilagay sa plato.
Wow ilang putahe pala ang naluto niya... Galing naman...
" Kung saan ang gusto mo Hon... I'm all yours... "
Napangiti naman ako.
" ehem... langgam! Ehemm langgam! "
" See this knife Dexter??"
Pinalo ko naman ito... Paano binabantaan na naman niya si Dexter.
" wag ko ngang binabantaan si Dexter...Di ka na naawa sa kanya... Wala na ngang damit na maganda... Wala panglovelife... ginaganyan mo pa siya... "
" bwahahaha" napatawa naman ang asawa ko.
? Dexter " Hindi ko alam kung naaawa ka saakin Mam Gaia or nilalait mo ako..."
" hahaha ano ka ba... hindi naman.. Hahaha kasi naman Dexter.. Tayo tayo na nga lang magkakasama... parating ganyan pa damit mo."
" Hon saan ka naman naka kita ng uniform na paiba iba ang damit... Maupo ka na nga dyan.. madaldal ka na naman... "
" Kahit... alam mo kapag ganyan ang parati mong suot Dexter walang magkakagusto sayong babae... May itsura ka pa naman... Diba Kookie?" pinapakain ko si Kookie..
Samantalang ang dalawa ay nagsisimula ng kumain.
" Sandali....! " pasubo na sana sila ng pinigilan ko sila.
" Bakit? " Deimos
" Mam Gaia naman gutom na ako... "
" di pa tayo nag Pray... bitawan niyo yan... "utos ko.
" tsk. " sabay pa nilang dalawa.
" Ok in the name of the father... the son, the holy spirit amen...God thanks you for the blessings na ibinibigay mo sa amin araw araw... ang pagkain nakahanda na niluto mismo ng aking asawa na si Kookie.. basbasan mo po kami at bantayan araw araw naming gawain... salamat ng marami dahil masaya kaming nagising at nagkita, nagkasama at sabay sabay kaming kumakain ngayon... in the name of the father the son.. The holy spirit amen.... "
Dumilat kami para simulan ng kumain. Tinignan nila akong dalawa.
" pwede na tayong kumain... "
" teka asan pala si Manang? " bigla kong tanong.
" Nag grocery ito... " Dexter.
Habang kumakain kami tinanong ulit ak9 ni kookie tungkol kina Vana...
" Hon.. Ano pala ginawa ni Vana at naiexplain sayo na Mafia boss ako? "
" Ganito to kasi yan... Ikwekwento ko.. "
Flash back
Lumayo kami ni Vana palayo sa tatlo at nakarating sa malaking bato.
" Anong gagawin natin dito Vana?"
" Gaia... kailangan ko ipaliwanag sayo ang tungkol sa Mafia Assassin... makinig kang mabuti at intindihin ang sasabihin ko. Lahat ng lalabas na salita sa bunganga ko... ay totoo... At seryoso ako."
Tumango lang ako... Tumitig sa mga mata niya.
" Gaia... ang asawa mo ay Mafia boss... Isa itong killer... "
Pagkakasabi palang niya ay napamulagat ako ng sobrang laki... dahil hindi ko alam irereact ko.
" Pero hindi siya pumapatay dahil lang gusto niya. Pinapatay niya ang mga taong may masasamang gawain... kung baga sa Movie ay Siya ay Hero... Capt America.., Superman.. Ganun. Lahat ng ginagawa namin ay may dahilan.... Hindi masabi sabi sayi ni Deimis dahil alam niyang matatakot ko. Kilala ko ang asawa mo.... Hindi pa kayo nagkakasama ng matagal hindi ba? "
" paano mo nalaman? " pagtataka ko.
Ngumiti ito saakin.
" Dahil kilala ko ang asawa mo... sabi ng asawa ko ay hindi ito nahumaling sa babae.. kahit ni minsan. Kapag umaattend ito ng Anniversary ng Clan. wala itong kasama kundi ang secretary niya.... Pero nakikita ko sa mga mata niya na may dahilan bakit ka niya pinakasalan... hindi dahil may kailangan siya sayo... Kundi may nararamdaman talaga siya sayo. "
" Para kang si Madam Auring....manghuhula ka ha? "
" Gaia tingin ka sa aking mga mata.... Wag kang kukurap"
Inalis ni Vana ang contact lens nito at nagulat ako sa kulay ng kanyang mata.
" V-Vana ang mga mata mo"
" Ito ang totoong kulay ng mata ko Gaia... hindi lang ako ordinarying tao... Pero hindi engkanto ha... isa kami sa tinatawag na Human healing....may ipapakita pa ako sayo"
Ngayon may kung anong kinuha sa bunsa ng dress niya.
Isang maliit na kutsilyo.
Hiniwa ni Vana ang braso niya...
Ngunit di nagtagal ay nawala din ito..
" Humilom ang sugat mo??"
" Oo Gaia... sa angkan namin marami kaming ganito...isa kami sa tinatawag a Mafia Assassin.... kasosyo namin sa negosyo ang asawa mo at kasapi sa Orga. Ibang group lang ito... ang grupi niya ay nabibilang sa DemiGod Clan... sila ang sumunod sa Organisation na may malalakas na grupo. Ang asawa mo ang MAFIA BOSS. "
" grabe!... totoo ba ang lahat ng ito? "halos di pa rin ako makapaniwala.
" Lahat ng ito ay totoo Gaia.... kaya please isa lang ang pakiusap ko sayo. Wag mong iiwan si Deimos... at lalo ng wag kang matakit sa kanya... hindi siya ganun kasama... nasa tama lang kami pero.... illegal dahil hindi ang batas ang sinusunod namin..."
" Eh ako... kapag ba nasaktan ko siya ay papatayin niya ako? " paniniguro ko
Tumawa lang siya.
" Wala sa kakayahan niyang manakit ng babae Gaia... Lalo na kapag ikaw ang usapan.. Baka siya pa ang papatay sa sarili niya kapag nangyari yun... trust me Gaia.. Hindi ka pababayaan ni Deimos. "
" Salamat sa pagpapaintindi sa akin Vana... hindi ako nagtaka na ang asawa mo ay may takot sayo. "
" Takot lang niya na maumbag ko siya hahahah tara na... "
End of flashback
" Hindi na din ako nagtaka na sabihin niya sayo yan... Sabi nga ni Bright...lahat ng gustong sabihin at gawin ng asawa niya ay ginagawa nito.... kasi alam niya ang tama... Kaso hindi ko inaasahan na agad agad niyang sasabihin. " Deimos
" Mas maganda na din na siya ang nagpaintindi saakin kookie... dahil kapag ikaw ay malilito lang ako... dahik nakatitig lang ako sa mukha mo. "
Napangiti naman siya.
" Sus kinikilig si Master" tukso ni Dexter
Sumama naman ang mukha nito.
" Kookie ano ka ba..." suway ko sa kanya.
" Mam Gaia... sana araw araw kayong ganyan ni Master... para hindi siya Monster sa Office." Dexter
". DEXTER!"
" Kookie!"
" tsk... pagkatapos mo ay bumalik ka na sa Office..."
" Yes Master..."
Tinignan ko ang asawa ko.
Ang hindi ko makakalimutan sa sinabi saakin ni Vana bago kami bumalik sa mga asawa amin.
" Ang pagmamahal natin sa ating asawa ay katumbas ng pagmamahal natin sa ating sarili. Halimaw man silang magalit... hindi dahilan yun para matakot tayong mga babae... dahil tayo ang tinatawag na...babaeng hinugot sa kanilang tadyang...tayo din ang tinatawag na Anchor ang ibigsabihin ay tayo ang gamot sa kanilang saltik hahaha biro lang tayo ang taga pagpakalma sa kanilang pagkahalimaw nila pag galit. "