Gaia pov
"Naku sorry Miss hindi ko sinasadya.."
Ke gwapo... ?
" sorry din hindi ako nakatingin sa dinaraan ko..."
" Mag isa ka lang ba?" tanong niya sa akin.
" Oo eh.. hinahanap ko kasi yung amoy na pagkain... nagugutom na ako eh." nakangiti pa ito sa akin.
" Walang problema para naman may makausap ako habang kumakain.. "sagot ko.
Sa bulaluhan pala ang kanina pa namin naamoy.
Dahil andito kami sa Food court walang waiter. Mabuti nalang at gentleman ito at siya ang umorder.
Pagdating niya.
" Oo nga pala ako pala si Angelo... Angelo Santiago... "paglalahad ng kamay niya.
" Gaia Earth Lee.. Gaia nalang tawag mo saakin. "
" ang ganda ng pangalan mo... pwede bang naman Mundo? "tanong ko
" Diba Second name mo Earth... Ang tagalog ng Earth ay mundo?? Hahaha "
Doon ulit ako naparawa ng malakas... Dati ay kasama ko si Kookie... Ngayon... Iba na..
" wow ang sarap nito... sabaw palang ay masarap na hindi ba? " sabi ko sa kanya.
" true... ngayon ulit ako nakatikim ng ganito mula noong nagmigrate kami sa Australia."
" Balikbayan ka pala..."
" Yap... pero ngayon lang ulit umuwi.."
" Bakasyon ka dito? " Ako
" For business lang... Isa akong Engineer... "
" Wow nakakabilib naman ang propesyon mo. "
Napatawa naman siya sa akin.
" Ikaw? " baling niya saakin
"ha? Anong ako?"
" Ano propesyon mo?" paggagaya niya sa pag pronounce ko
" Wala... isa akong katulong sa asawa ko.." naalala ko na naman ang mga sigaw niya saakin
"ha? Katulong ng asawa mo?? Paano yun?"
" Wala... isa akong katulong kako...hindi ako nakapag college dahil ulilang lubos na ako.. naging alipin sa mga taong kumupkop sa akin..ngayon katulong naman ako sa isang malaking bahay."
"so day off mo ngayon kung ganun?"
" ganun na nga..." walang gana kong sagot
" pwede bang makipagkaibigan sayo?" bigla niyang tanong saakin.
" hahaha ano ka ba naman hindi pa ba tayo magkaibigan?? Nag uusap na tayo..."
" For formality lang... pwde ba? "
" Oo naman... ikaw palang ang una kong magiging kaibigan kung sakali."
" Why?? " pagtataka naman niya. Napatingin ako sa bowl niya dahil ubos na.
" Bilis mo naman kumain hahaha... "
" gutom eh.. Why nga pala? "
Oo nga pala may tanong siya.
" Wala kasing may gustong makipag kaibigan saakin... dahil mahirap lang ako at alipin... Halos lahat ng pinasukan ko na trabaho ay napapatalsik ako dahil sa kabobohan at kapalpakan ko. Hindi naman ako ganun katalino at kaganda para lapita.."
" grabe ka naman makapag down sa sarili mo.. hindi ka ba nagsasalamin... You're Damn Pretty... maliit nga lang.. Hehehe biro lang"
Tawa lang ako ng tawa sa mga biro niya. Inaamin ko gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.
" hindi naman ako maganda.. cute size lang ako hahaha.."
Bigla niya akong tinitigan..
"pwera biro Earth... ikaw yung taong kahit titigan ng matagal... lalong gumaganda.."
Nag init naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
" mukhang gutom ka pa.. Hahaha..magkano pala ito?"
" No it's ok...my treat.. dahil may bago akong kaibigan."
" Salamat Angelo ha.. gumaan ang pakiramdam ko na makausap kita. "
" Mukha kang stress.... nahihirapan ka ba sa trabaho mo?"
"hindi naman.... ayokong mastress dahil buntis ako."
Nagulat siya sa sinabi ko
" Buntis ka?? Really?"
" Oo pero hindi alam ng ama niya..."
" Tsk... bakit ayaw mong ipaalam..?"
"dahil hindi rin siya maniniwala..."
" Sorry... sana hindi ko nalang tinanong...for my mistake... tara libot tayo dito sa Mall.. ngayon ulit kasi ako nakagala mula pagdating ko dito sa Pinas."
Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya.
" Game!" masaya kong sabi.
Sa aming paggagala hindi ko namalayan na gabi na pala...
" Naku Angelo gabi na... baka hinahanap na ako ni Manang.. "
" Ganun ba..? Ihahatid na kita... "
" Libre ba?? "paniniguro ko
" Ikaw pa ba... friends na tayo eh"
Tatanggi sana ako kasi nakakahiya... pero kailangan na akong umuwi dahil baka pagalitan ako ni Manang...pasado Alas nuwebe na.. at pasara na din ang Mall.
Hindi nagtaka si Angelo sa pinaghintuan naming bahay.
" Malaki pala bahay ng amo mo... kaya mo pa bang magkatulong diyan?..."
"Oo naman..."
" Earth... Kapag may problema or nahihirapan ka.. tawagan mo lang ako...nagkuhanan na tayo ng number diba?"
" Salamat Angelo... napakabait mo.. natutuwa ako dahil kakikilala pa lang natin ay napapasaya mo na ako."
" Walang ano man Earth... nasaya din ako nakilala kita.. "
" Goodnight Angelo.. " paalam ko
" Goodnight and thank you Earth... Bye! "
Pagpasok ko palang... Mukha agad ni Deimos ang bumungad saakin.
" Tignan mo nga naman... napakasarap ng buhay mo.. May pa date date ka pang nalalaman samantalang katulong ka lang dito!.. Hoy babae baka nakakalimutan mo kung ano ka sa pamamahay ko.. Wag kang umastang Reyna..!"
" Nag undertime lang po ako Master..."
" Sa susunod na gawin mo pa yan habang hindi mo day off... papalayasin na kita dito...umalis ka na sa harapan ko! "
Hindi na ako sumagot at patakbo akong pumanhik sa kwarto ko. Ang saya na naramdaman ko ay biglang naglaho.
Natulog akong luhaan...
Deimos pov
Alas siyete na ng makauwi kami ni Dexter.
" Manang handa na ba ang hapunan? "tanong ko
Pero si Manang lakad lng ito ng lakad.
" Manang!.... naririnig mo ba ako? "
" Ha!?.. Ah Oo handa na.. ihahain ko nalang sandali... "
" Bakit yung isang katulong natin asan?... " tanong ko
" Kasi... pumunta siya sa Mall.. kanina pang hapon hindi pa bumabalik."
Tsk nahihiwagaan talaga ako sa katulong na yun...
" Dexter...gusto kong alamin ang impormasyon sa katulong na yun... "
"Si Mam Gaia po?" Dexter
" what?? Anong Mam Gaia??"
" ah si Gaia po... yung katulong..." sagot niya
" Gaia ang pangalan niya??"
" Opo... meron na po akong files tungkol sa kanya.. naibigay ko na po sainyo dati.."
Napaisip naman ako. Kung gnun kilala ko na siya dati pa??
Sabi ng Doctor kanina ay may mga bagay at mga tao akong hindi maalala dahil sa accidenteng nangyari saakin.
" Ok... " yun nalang nasabi ko.
Kumakain na kami ng hindi mapakali sina Dexter at Manang.
" Kayong dalawa... ano bang problema niyo??" hindi na ako makatiis dahil kanina pa sila tipa ng tipa sa mga cellphone nila.
" Manang!... Dexter.. Ano ba?? Kasama ko ba kayo??"
Napatingin naman sila saakin.
" Kasi Deimos nag aalala na ako kay Gaia... " Manang
" Malaki na siya... Alam na niyang umuwi yun...ikaw Dexter??"
" Ah kasi Master... wala po... Textmate lang."
" tsk... Dexter.!.. kunin mo ang dalawang aso at itapon mo... Masyado silang maingay dito sa bahay... "
Nagulat naman silang dalawa.
" Pero Master...alaga po si Mam Gaia ang mga yun.." Dexter.
" Deimos... wag naman... "
" Sumasakit ang ulo ko sa pagtahol nila...KAYA SA AYAW AT SA GUSTO NIYO ITAPIN NIYO O AKO ANG BABARIL SA KANILA NGAYON DIN! " sigaw ko sa kanila.
" M-Master...."
" Hindi mo gagawin? " kinuha ko ang baril sa drawer malapit sa mesa.
Kinasa ko ito...
" Ga-gawin ko na po Master...ako na pong bahala... "
" Deimos.... " tawag sa akin ni Manang
" Manang alam niyong ayoko ng aso.... wala akong pakealam kung alaga yan ng katulong natin... pagbaba ko ay wala na akong maaamoy o maririnig na tahol ng aso. Maliwanag ba!? "
Hindi ko na hinintay ang sagot nila.
Nag cocomputer ako ng may narinig akong sasakyan na huminto sa gate....dahil kitang kita ang gate mula dito sa kwarto... sinilip ko ito at nakita ko ang katulong na bumaba mula sa sasakyan.
Naningkit ang mga mata ko... nakipagdate ba ito at umabot sa ganitong oras??
Bumaba ako at hinintay itong pumasok..
" Tignan mo nga naman... napakasarap ng buhay mo.. May pa date date ka pang nalalaman samantalang katulong ka lang dito!.. Hoy babae baka nakakalimutan mo kung ano ka sa pamamahay ko.. Wag kang umastang Reyna..!"
" Nag undertime lang po ako Master..." sagot niya. Nakayuko ito... may dala dala itong supot.
" Sa susunod na gawin mo pa yan habang hindi mo day off... papalayasin na kita dito...umalis ka na sa harapan ko! "
Hindi ko alam bakit ako nagagalit dahil may nakasama siya. Kung tutuusin ay wala naman akong pakealam ku mng gabihin ito..
Katulong lang siya!
Kinabukasan ay isang iyak ang gumising saakin.
Inis akong bumangon at bumababa..
" Gaia... Pasensya na.. hindi ko alam kung saan dinala ni Dexter sina Kookoo at Baabaa... kasi ano...kapag hindi kasi namin ginawa eh----"
" Anong ingay ba ito?? Natutulog pa ako... Hanggang sa kwarto ko ay rinig ko ang iyak mo babae ka..!"
Napatingin naman siya saakin... nakaramdam ako ng awa sa nakita kong itsura niya. Para siyang iniwanan sa kanyang itsura..
" A-san ang mga aso ko Deimos?? Please pakiusap sabihin mo saakin!? "
Deimos lang tawag niya saakin??
" pinatapon ko kay Dexter....!"
" Bakit pati sila.??..."
" gusto mo bang isunod kita sa kanila?? Kaya kitang ipatapon ngayon din!!"
Hindi ito umimik... patuloy pa din ito sa pag iyak kay Manang
" stop it! You b***h!... Naririndi ako sa ingay mo!"
" Deimos!!...ano ka ba?? Bakit ka ba ganyan?? "
" Manang patahimikin mo ang babaeng yan... Kung hindi ako ang magpapatahimik sa kanya... Ang aga aga pinapainit niyo ang ulo ko!"
Bumalik ako sa kwarto upang makaligo.
Pagbaba ko ay nakita ko si Dexter na kinakausap siya ng Katulong.
" Dexter... Please sabihin mo saakin asaan mo dinala sina Kookoo at Baabaa... Nagmamakaawa ako Dexter. " umiiyak na naman siya.
" subukan mong sabihin Dexter...Malilintikan ka sa akin..."banta ko kay Dexter.
Hindi ako tinignan ng babae... kay Dexter lang ito nakaharap.
" Let's go Dexter. Malelate na tayo.... Hoy babae... maglinis ka dito... Hindi yung iyak ka iyak diyan.. "
Sa Office
Subsub ako sa mga papers na kinakailangan sa mga shipment papuntang Australia.
Biglang pumasok si Dexter na parang natataranta.
" Master...may pupuntahan lang po ako saglit..."paalam niya saakin
" saan ka pupunta? "
" kasi tumawag si Manang.... nawawala po si Mam Gaia...ang lakas pa naman ng ulan... dahil sa padating na bagyo. "
" Lintik na... Uunahin mo pa ba ang katulong na yun.. Kesa sa trabaho mo?? "
" Sorry po Master...gagawin ko din po agad mamaya... kinakailangan lang po nila Manang ang tulong ko.. Baka po mapapaano po si Mam Gaia... "
Magsasalita pa sana ako ng umalis agad ito.
Damn! Paimportante talaga ang babaeng yun..
Dexter pov
" Hello Manang papunta na po ako... ilang oras na po itong nawawala?... ho?? Sige po.. ako na pong bahala.."
Shit! Naman nakunsensya ako sa ginawa ko... ang totoo ay hindi ko tinapon ang alaga ni Mam Gaia... sa mismong bahay niya ko ito dinala... doon ko sila dinala mas safe ito. Kumuha ako ng katulo ng ng bahay ni Mam Gaia para may tatao doon... hindi pa kasi napapasyalan ni Mam Gaia dahil ito ang surprise Monthsary nila ni Master.
Kanina ko pa din pinaparing ang phone niya pero nakapatay ito..
Nilibot ko na ang buong Village pero wala pa din...
Alas 10 na ng gabi ngunit hindi ko pa ito nahanap.
Isang message ni Master ang pumukaw sa akin.
Kailagan ko ng bumalik sa office.
Kaya tinawagan ko si Manang
" Manang.. Hindi ko siya nahanap.. pag hatid ko kay Master ay dederetso ako sa police station... Opo Manang... Sige po"
Pagbalik ko. Galit na naman ang damuho..
Ang hirap mag alaga ng may Amnesia.
" Bukas ay May meeting tayo sa Takenshin Orga. nagpatawag sila ng Meeting... kaya ihanda mo ang mga proposal para sa kanilang request...."
" Yes Master.." sagot ko
" Ano nahanap mo na ang babaeng yun? Baka naman nakipagdate lang yun..."
Paano kaya niya nasasabi ang mga ito?? Hindi ba siya naaawa sa mag ina niya??
Oo nga pala hindi niya alam na buntis si Mam Gaia... dahil ayaw ipaalam ni Mam Gaia sa kanya hanggat hindi ito bumabalik ang ala ala niya.
" H-hindi pa Master... " nakayuko lang ako..
" Babalik din yun...ganyan naman ang mga babae... paimportante.. Hinahanap mo... may kasama palang iba."
" sana nga Master... may kasama na ito... dahil nakakatakot kapag may mangyari sa kanyang iba habang mag isa ito"
" what??"
What what mo mukha mo Master...baka magsisi ka kapag nalaman mo na ikaw mismo gumagawa ng paraan para lumayo ang mag ina mo..
Tsk
" wala po Master.."
" Kaya ayokong mag asawa eh... mga pabebe ang mga babae... Sakit sa ulo..."
Pag uwi namin... sinalubong namin ang malakas na ulan. Oo nga pala ngayom na mag lalandfall ang bagyo.
Nakasalubong namin si Manang na paalis.
" Manang saan ka pupunta?? " ako na ang nagtanong mukhang wala naman pakealam ang Master ko.
" Sa hospital... May nagdala kay Gaia... nakita daw ito sa Sementeryo... Walang malay... sige maiwan ko na kayo.."
"Manang ihahatid na kita... Malakas ang ulan.. may bagyo.."
Napalingon si Master sa sinabi ko.
"Master..ihahatid ko lang si Manang... Tara na manang.."
Hindi na namin hinintay nag sasabihin niya.. Agad kaming sumugod sa hospital na pinagdalhan kay Mam Gaiam
" Miss Room po ni Gaia Monteverde.." tanong ko sa Nurse
" Wala pong Monteverde ang naka admit... Gaia Earth Lee po ang meron. "
" Yes siya nga... Anong room?" tanong ko
" sa ward 158 po sir.."
" salamat..."
Pagdating namin sa ward... nakita namin ang dalawang matanda sa higaan ni Mam Gaia
" Excuse me po... kayo po ba ang nagdala. Kay Gaia dito? "Manang
" ay kayo po ba ang kamag anak ng ineng na ito...? " Lolo
" ako nga po... Ano pong nangyari sa kanya? " Manang
" Ang totoo ay ang nakakita sa kanya ay yung caretaker ng sementeryo... itinawag lang saamin dahil kakilala namin siya... dahil siya yung naglilinis sa puntod ng anak ko. "
Ah akala ko kamag anak nila yung caretaker
" Inaapoy ng lagnat ang dalaga...ang sabi niya ay tanghali pa niya nakita ang dalaga itong sa puntod ng magulang niya.. umiiyak.. kinausap pa nga daw nito pero hindi siya pinansin.. patuloy pa daw itong umiiyak.. hapon na andoon pa.. Pasimula na ang ulan kaya hindi daw umalis ang caretaker hanggang hindi umuuwi ang dalaga... pero dahil palakas na nga ang ulan minabuti na niyang umuwi... pero kinakabaham daw ito kaya bumalik sa sementeryo.. Doon na niya nakita nakahandusay ito. Tumawag siya sa amin at humingi ng tulong... kaya sinundo namin sila... At dinala siya dito. "
" Mam salamat po sa tulong niyo.... mabuti nalang po may mababait na kagaya niyo.. "
" Walang ano mang iho... Ikaw ba ang kasintahan niyang si Kookie? " tanong ni lola sa akin.
Nagkatingin naman kami ni Manang
" hindi po... "
" kanina pa niya nababanggit ang pangalang kookie... kanina pa din namin pinupunasan ang luha niya... " lola
" Jusme Gaia... " nabanggit nalang ni Manang... naiiyak na din ito gaya ko.
Nagpaalam na ang mag asawa.
" Manang mas mabuti atang sa bahay nalang niya siya tumuloy... Baka mapapaano pa siya kapag nasa bahay ni Master si Mam Gaia"
"Mas mabuti pa nga ata... kinakabahan ako para sa kanila ng baby niya... Ano bang nangyayari sa kanya."
" kasalanan ko po Manang...kung sinabi ko lang kung nasaang sina kookoo at baabaa ay hindi niya hahanapin ang mga ito."
" Nasaan nga ba sila Dexter?? "
" Nasa bahay po ni Mam Gaia... doon ko po sila pinunta...may katulong na doon nagbabantay.. "
"Salamat sa ginawa mo Dexter. Matutuwa siya kapag nalaman niya..."
Hinitay namin dumating ang doc na tumingin sa kanya.
" Kayo po ang relative ng pasyente?"
" kami nga po.." Manang
" Well gusto ko po ipaalam sa inyo na hindi po siya pwedeng ma stress... nasa first trimester pa lang po si Misis.. Kaya sensitive po pa siya sa ano bang bagay... hindi siya pwdeng magkasakit... gaya ngayon. Inaapoy ito ng lagnat.. Nagchichill po siya kanina.. Hindi po ito pwede sa buntis.. may nireseta ako para sa kanya... mga vitamins para sa kanya. She need more bedrest at she need to eat nutrition foods. Wag galitin ang buntis... is that clear po? "
Ako na ang bumili ng mga gamot at vitamins ni Mam Gaia... Umaga na ng makauwi kami kasama si Mam Gaia... hindi ito umiimik mula noong nagising ito.
" Sa wakas umuwi din kayo... ano ba ito? Sino ba ang amo niyo? Ako o yang babaeng yan? "
Napaangat bigla si Mam Gaia.
" Dexter.... Manang Ok na po ako... magtrabaho na po tayo." sabi niya inalis niya ang kamay ni manang na umaalalay sa kanya.
Kami naman ni Manang wala kaming imik na sinundan ng tingin si Mam Gaia na pumanhik sa kanyang kwarto.
" Dexter...9 am ay aalis na tayo..Manang breaksfast please. " tumalikod na ito at dumeretso sa pook area.
" Kung wala lang itong amnesia kanina ko pa hinambalos ang batang yan ng sandok..."
"Manang si Mam Gaia oh"
Turo ko kay Mam Gaia na nakabihis at may hawak na itong vacuum ..
" Gaia...!" suway ni Manang ngunit hindi niya ito pinansin.
Hindi niya kami pinapansin kahit kunin namin ang vacuum
Patuloy pa din ito sa pag lilinis...
Paalis na kami ng makita ko itong napahawak sa tiyan si Mam Gaia..
Patakbo ko itong pinuntahan..
" Mam Gaia... anong masakit sayo?"
" wala Dexter.. ok lang ako... Sige na umalis na kayo baka may masabi na naman siya."
" Mam Gaia... Yung gamot at vitamins mo nasa kwarto mo kinumpleto ko na... inumin mo parati yun.. Pag alis namin ay magpahinga ka na... Alalahanin mo ang baby mo. " bilin ko
Tumango lang ang sagot niya.
Sa Takenshin Office Makati. Ang main kasi ng Takenshi Orga ay sa probinsya.
Naging ok naman ang proposal namin para sa mga new design ng mga sasakyan.
Nakasalubong namin sina Bright at ang asawa nito.
" Yowh Deimos long time no see mula sa Amanpulo ah... naka lusot na ba?" Bright
Kumunot noo lang si Master.
" pinagsasabi mo Bright?"
" ha?? Teka asan asawa mo?" dagdag pa niya.
" asawa?? Kelan naman ako nag asawa??" Master.
Nagulat si Bright sa sinabi ni Master.
" Maiwan ko na kayo... marami pa akong aasikasuhin.." paalam ni Master
Hinarang ako ni Bright
" Nangyari sa Master mo? Nadisgrasya lang nagka amnesia na ata.."
" Tama ka nagka amnesia nga siya.. Selected amnesia... At doon hindi niya maalala si Mam Gaia... kung kelan buntis pa man din si Mam... Nakakaawa siya."
"kaya pala... Sabi ng anak ko...gusto niyang makita ang ate Gaia niya..."
Kakaiba talaga lahi nila.
" Sasabihin ko sayo pag pwede na siyang puntahan... ang alam kasi ni Master ay ka tulong si Mam Gaia... kaya ayun katulong na nga si Mam Gaia sa bahay ni Master. "
" owh! Tawagan mo ako kapag kailangan niyo ng tulong namin.. naibigay ko na sayo number ko.. nandito lang kami this 2 weeks.. Ok.. Sige sunod ka na baka sasabog na sa galit master mo. "
Sa Parking area
" ang tagal mo Dexter nakipag tsikahan ka na naman kay Bright tsk.. "Napalingon ako na tutok lang ito sa phone niya.
Kunot noo na naman ito.
" Bakit may mga picture ang babaeng yun dito?? Tsk pakealamera talaga ang babaemg yun. "
Kita ko din tinapon nalang niya sa tabi ang phone nito at pumikit.
" Master... wala ka pa bang maalala?"
Napatingin siya saakin.
" bakit sino ba gusto mong maalala ko?? Eh kayo lang naman ni Manang ang kiala ko... "
Wala na akong tinanong pa.
Pagdating namin.
" Manang kape..."
Walang manang ang sumagot kaya kinabahan ako.
Tumakbo ako sa kwarto ni mam Gaia at tama nga ako nandoon din si Manang.
" Manang nangyayari kay Mam Gaia? "
" nabinat ito.. pinatulog ko na dahil naglinis siya sa kusina... ewan ko ba itong bata g ito ang tigas ng ulo."
" Manang... Sabihin nalang kaya natin kay Master ang totoo... paano nalang ang kalagayan ni Mam Gaia..."
" Hindi ko na alam ang gagawin ko Dexter..."
Iniwan namin si Mam Gaia para makapagpahinga.
" Dexter bumalik ka nga sa office... tignan mo yung maintenance ng building... may nabasag daw na mga bintana... icheck mo kung ano ang dapat gawin. "
Wala akong choice kundi sundin ang utos niya.