Gaia pov Isang araw nakalipas ng makauwi na ako mula sa Hospital. Gaya nga ng sinabi nila Hugo at Grace ay nanguha nalang kami ng kasama sa pagtitinda. Ang kapit bahay naming si Aling Teresa ay nag apply sa amin, hindi man kalakihan ang sahod ay tinanggap pa din niya ito. " Nandito ka na naman Gaia... mamaya ay mapapano ka.." " Aling Tere naman ginawa niyo naman akong baby... nababagot na kasi ako." Napalingon kaming tatlo ng may tumigil na sasakyan sa harapan ng karinderya. Si Angelo... " Earth....nabalitaan ko ang nangyari sayo, what happen?" ayan na naman ang sobrang OA na si Angelo. " wala Elo... nagbleeding lang ako... Nasobrahan sa pagtratrabaho." " Nawala lang ako ng dalawang araw may nangyari na sayo... ang hirap hirap mo talagang iwan. " " pagsabihan mo nga siya Angelo...

