Gaia pov Walong buwan na ngayon ang tiyan ko....isang buwan nalang lalabas na ang anak ko. Masaya ako sa nagdaang buwan. Naayos na namin ang gamit para kay baby, maging ang kwarto niya. Tulong tulong kaming gumawa para kay baby. Ang ibang damit ay binigay nila Vana.... gaya nga ng sabi niya ay yun daw ang una kong ipapasuot para hindi masanay ang baby sa mga bago. Nakakatuwa sila dahil sa kanilang pamahiin. " Gaia saan ka pupunta?" tanong saakin ni Grace. " Magsisimba lang ako Grace..." " Gaia... k-kasi ano.... hintayin mo nalang kaya ako. Pupuntahan ko lang si Hugo sa office niya. Sabay na tayo." Grace " Ano ka ba Grace... Ang lapit ng Simbahan hindi naman maaano. Tsaka ok lang naman ako..." " P-pero Gaia... wala kang kasama. " " Kaya ko Grace...tska dadaanan daw ako ni Angelo.

