Deimos pov " Kung ganun....ang nangyari sa magulang niya ay nangyari din sa magulang niyo?" Vana " ililigtas na sana namin ang magulang niya...pero nagdalawang isip ako...nilapitan ko ang papa niya. Ang sabi niya ay hindi niya kaya....hindi niya kayang alisin ang nakatusok sa kanya. Kaya nakiusap siya na hanapin ko ang anak niya. " " Yung gabing yun, tumakas kami sa bahay....wala ang mga magulang namin dahil may dinaluhan silang party. Nasa malapit kaming park nilabas ko ang laruan ko na bago...di sinadya ay naiputok ko sa daan na siya namang dahilan ng paglihis ng padating na sasakyan..at sumalpok ito sa isang sasakyan. Una naming nilapitan ang sasakyan ng magulang ni Gaia... tutulungan ko na sana - - - - " " pinigilan ko siya na lumapit ng makita ko ang isang sasakyan na sinalpok n

