Kabanata 4

3033 Words
04. "Heneral Fuentes?" Tumango ang heneral. "Ako nga" inabot nito ang bag ni Juaquin na tila'y hindi pa tapos obserbahan ng Heneral. 'Ganito pala sa malapitan si Heneral Fuentes, inferness' "Hindi.. mo ba kukunin ang kagamitan na ito?" "Ah!" Agad kinuha ni Juaquin ang bag dito. "Thank you sa pag sauli." Sabi nito. "Ah, salamat. Salamat" Tumango ang Heneral. "Walang anuman, magandang gabi muli." Sabi nito at umalis na sa kuwarto ni Juaquin. "'Yun na 'yun?" Agad isinarado ni Quin ang pinto tsaka tinignan ang bag nito. 'Wala naman sigurong nawala dito, hindi ba?' "Wah, nakakakilabot 'yung tingin ng Heneral na 'yun ha. Parang kuryente." Bulong nito tsaka ibinaba ang bag sa isang upuan. Muli nitong inisip ang Heneral Luthero Fuentes na nag hatid ng kaniyang bag. 'Tangkad niya, nakalamon siguro ng sandamakmak na star margarine nung bata' Habang naka upo sa kama ay iniisip niya parin ang Heneral, pero nawala ito nang maalala niya ulit ang mga pinag usapan kanina. "Diwata? Fairy? Angel? Kung ano ka man.. hindi po ba puwedeng bumalik nalang ako ng mabilisan? Bakit po kailangan 'ko pa hanapin ang makaka intindi saakin? Ang habang proseso pa no'n. Ayoko magtagal dito, kahit.. kahit pa nandito ang nanay 'ko. Lalo na't may balak palang mag sundalo ang original Juaquin, sinong magpapatuloy no'n? Edi ako.. ayoko naman nun, please. Please ayoko po na dito, natatakot na ako. Ayoko na" "Hindi ka pa nga nakaka isang araw, sumusuko kana? Grabe ka naman. Magpaka lalaki ka nga" Napatayo sa gulat si Juaquin nang marinig ang isang babae na katabi niya na. "Lola?! Bakit ka nang gugulat gusto mo ba ako mamatay?" "Wala namang namamatay sa gulat" "Meron! 'Yung may sakit sa puso" depensa ni Quin. "Meron ka ba no'n?" "M-mag kakaroon.. dahil sa'yo" hawak parin ni Juaquin ang dibdib nito. "Well, narinig 'ko lang naman ang mga sinabi mo kaya nagpakita ako. Kamusta?" Lumapit si Juaquin sa matanda at hinawakan ito sa kamay. "Lola, gusto 'ko nang makabalik. Ayoko dito! Natatakot ako, baka hindi 'ko pa nahahanap ang pinapahanap niyo namatay na ako" "Juaquin, bitawan mo nga ako. Sa panahon na ito, bawal hawakan ng mga lalaki ang mga kababaihan nang hindi sila mag asawa o magkasintahan. Kaya alisin mo ang iyong hawak saakin" Walang nagawa si Juaquin kung hindi ay alisin ang kamay sa matanda. "Ayan, ito ipapaliwanag 'ko... Bawal." "Bawal? Anong bawal? Lolaaaa! Anong bawal?" "Bawal kang bumalik nang hindi tapos ang misyon mo" napasabunot sa sarili ang Juaquin. "Lola naman, ayoko na po dito please! Ayoko na pooo! Mag susundalo pala ang Juaquin Hernandez na 'yun. Ano alam 'ko doon? Ayoko na lola, please lang" sabi ni Juaquin. "Ikaw ang humiling nito, Juaquin. At hindi pa nakakapag aral ang orihinal na Juaquin ng pagsusundalo, kaya mapag aaralan mo ito." Kinagat ni Quin ang labi nito. "Ayoko lola, please ayoko. Gusto 'ko na maka balik sa future! 'Yung mga kapatid 'ko doon tsaka si Allyssa! 'Yung pag aaral 'ko." sabi nito na halos lumuhod na. "Hindi ba... hindi ka naman talaga interesado sa pag-aaral?" "Po?" "Hindi ba?" tumahimik si Juaquin dahil tama ito, hindi siya interesado sa pag aaral. "Noon po 'yun, ngayon kailangan 'ko mag aral para maka graduate para sa mama 'ko, para matupad 'ko ang pangarap niya para saakin." tugon ni Juaquin. "Para rin makatulong ako sa mga kapatid 'ko" "Bakit hindi mo ito ginawa noong buhay pa siya?" hindi alam ni Juaquin pero sumasakit ang dibdib niya, nakakaramdam siya ng guilt. "L-lola.." "Inilaan mo ang oras mo sa isang taong hindi ka naman minsa'y inintindi, keysa sa taong buong buhay kang inintindi ka.. na hanggang sa pagkamatay nito ikaw parin ang iniisip.." tinutukoy nito ang kaniyang girlfriend at ang kaniyang ina. "Kaya ka nandito ngayon para sa hiling mong... may makakaintindi sayo, kailangan mo itong hanapin ngayon. Dahil sa panahon mo, hindi mo pinansin ang taong hinahanap mo na ngayon." napa luha na si Juaquin sa pinag-sasabi ng matandang babae.  "P-pero alam 'kong hindi ako magtatagal dito, ang hirap dito lola. May mga digmaan, pananakop, at kailangan 'ko pang maging sundalo- ayoko na dito.." Umiling ang matanda. "Kailangan mo isagawa ang misyon mo para makabalik kana, ang hanapin ang makakaintindi sayo." "Pero lola gaano katagal 'yun? Wala ka bang due-date o deadline manlang diyan para malaman 'ko kung malapit na ba matapos ang misyon 'ko? any sign?" nag isip ang matanda. "Bawal dapat ito pero nakaka awa ka naman, siguro one clue lang.."  "A-ano po?" "Today.." naguluhan si Juaquin sa sinabi ng matanda. "Today? Anong today?" tanong nito. Tumawa ang matanda at tumayo. "Lolaaaa! Ano pong today?" "Lola, hindi 'ko po kayo naiintindihan. What do you mean today-" "Juaquin, hijo. Dahil nandito ka sa taong 1899, bawas bawasan mo ang pagsasalita ng ingles, maging pormal ka. Hindi ka nila naiintinidihan dito, kaya ka sinasabihang namamaligno eh."  Napabuntong hininga si Juaquin.  "Hindi 'ko maiwasan lola" "Oh well, aalis na ako. Ikaw, bata ka magpaka bait ka dito. Huwag mong gawin ang pagiging pasaway mo dito gaya ng ginawa mo sa future, pag igihan mo ang pag gawa ng misyon mo at... maghugas kana ng katawan mo. Mabaho kana, matulog ka narin at 'wag mag isip ng kung ano ano." sabi ng matanda. "Sa tingin mo po  lola makakatulog pa ako? Babalutin lang ako ng takot eh, ibalik niyo na po ako.. please" umiling ang matanda tsaka naglaho na. "Pinapasadyos 'ko nalang talaga ang buhay 'ko." Gaya ng sinabi ng matandang babae ay naghugas si Juaquin ng katawan at nagbihis ng simpleng dami na nakita niya sa damitan ng orihinal na Juaquin. "Shush, nakaatakot.." bulong nito dahil iniisip niyang gumagamit siya ng gamit ng taong patay na.. sa future. Dahan dahan itong humiga sa kama ni Juaquin Hernandez habang nakatulala sa buwan na nagbibigay liwanag sa kuwarto nito. Iniisip nito ang mga sinabi ng matandang babae kanina na parang pana sa puso niya. Guilty, he's guilty. "Ma, S-sorry.. Ikaw lang umiintindi saakin noon pero hindi pa kita pinansin, ngayon kailangan 'ko humanap ng katulad mo sa panahon na 'to.." unti unti na itong pumipikit hanggang sa mataulog na ito. MAAGA PA nang pumasok ang isang babae sa kuwarto ni Juaquin at umupo sa gilid ng kama nito. "Anak? Halika na't gumising.." "Juli, I'm sleeping." napakunot noo si Doña Felicidad. "A-ano?" Imunulat ni Juaquin ang isa nitong mata at biglang napa upo nang makita ang Ina. "MAMA?!" Nagti-tili ang binata at tumalon talon sa kama. "JULI!! KUYAA! JO! SI MAMA MINUMULTO AKO! MA!" Nagulat doon si Doña Felicidad at tumayo mula sa pagkaka upo. "Anak, hijo ano bang nangyayari saiyo? Juan! Ang iyong kapatid!" Tarantang sabi ng Doña. Si Juaquin naman ay naka tulala parin. "What the hell?!" Nakita ni Juaquin ang maraming kababaihan na nakatingin sa kaniya, May pag aalala sa mga mata. Tsaka pumasok ang isang binta, si Juan na kaniyang kapatid— kapatid ng orihinal na Juaquin at isang sundalo. "Juaquin? Anong kaguluhan ito?" "Hindi 'ko alam, anak. Bigla nalang sumigaw ang iyong kapatid nang siya'y aking gisingin. Tumawag pa siya ng ibang pangalan" sabi ng Ina. "Wait.." napahawak si Juaquin sa ulo at naalalang nag teleport nga pala siya sa sinaunang panahon. "Oh s**t" "Juaquin? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ng Ina. "Sorry ma, ay patawad Ina.. nabangungot lang ako." Pag dadahilan ni Juaquin. 'The heck?! 'Yung time travel time travel na 'yun totoo, not just a freaking dream? This is real?' Sinampal nito ang sarili at kinurot pero napa-mura lang ito. 'Totoo nga, totoong... Totoong nasa 1899 ako? My'Gad!' "Bakit mo sinasampal ang sarili mo, anak?" "Ginigising niya ang kaniyang sarili, akala niya siguro binabangungot siya muli" Tumawa si Juan na may halong pang aasar. "Ah, haha.. O-opo" "Hay nako, ikaw talaga bata ka. Pinapakaba mo ako, akala 'ko sinasapian kana ng masamang ispiritu." Tumawa rin si Doña Felicidad at nakitawa rin si Juaquin. "Oh siya, mag ayos kana at mag umagahan.. tayo'y may pupuntahan pa. Hihintayin ka namin sa baba" Ngumiti si Doña Felicidad at umalis sa kuwarto ng anak. Si Juaquin naman ay napasabunot sa sarili at humiga muli. "Agh! Muntik pa 'yun." 'Totoo palang nasa sinaunang panahon ako, muntik na ako mag mukhang baliw kanina sa harap ng maraming babae. Nakakahiya, pisti' Pagkatapos murahin ang sarili ay sinimulan niya na maghanap ng isusuot dahil may pupuntahan daw sila sabi ng Ina. Kasalukuyang nakatitig si Juaquin sa mga damit ni Juaquin Hernandez habang naka singkit ang mata na tila'y namimili. "It's all the same, hm?" Bulong nito habang hawak ang baba. "Okay, itong sapatos." "Tsaka itong, wow." Pinili ito ang isang damit na parang suit pero kakaiba ang design. Makaluma ito pero maganda parin. May kasama itong neck tie. "Ang alam 'ko barong Tagalog lang ang sinusuot noong sinaunang panahon.. dahil siguro anak ng presidente si Juaquin the original kaya meron siya nito." Agad itong naligo at hindi naging kumportable sa mga gamit sa banyo, kakaibang sabon at shampoo kasi ang narito. Sumisikat pa ang araw sa mukha nito. "I need to be handsome, baka doon sa pupuntahan namin ay nandoon ang babaeng hinahanap 'ko." Pagkabihis nito ay lumabas na agad ito sa kaniyang kuwarto at bumaba. "Goodmorning— ah..." 'Ano nga ulit tagalog ng goodmorning?' "Magandang umaga, Ina... K-kuya" "Oh ayan, maayos kana muli. Napaka guwapo mo sa iyong kasuotan" bati ng Ina. "Ilang mga dilag ang gagamitan mo ng kapangyarihan mong marahuyo ha?" Tanong ng kapatid na si Juan. "H-ha?" "Hay nako, huwag mo nang biruin ang iyong kapatid. Halika, kumain kana" sabi ni Doña Felicidad. Sinunod naman ni Juaquin ang kaniyang Ina, tinititigan nito ang nanay nitong matagal niya nang hindi nakikita. "Juaquin, ayusin mo nga ang iyong kurbata. Paano ka makaka-puntos sa mga binibini kung mali naman ang iyong pag suot dito" naguguluhan si Juaquin sa pinagsasabi ng kaniyang Ina't kapatid. "Hay nako, matanda na lahat lahat ngunit hindi parin marunong mag suot ng kurbata." Napa tawa ang Ina at inayos ang neck tie ni Quin. 'What- oh! Neck tie pala ang ibig-sabihin ng kurbata! Jusko dudugo ata ang ilong 'ko sa mga tagalog nila eh!' Nagpatuloy sila sa pagkain at nag kuwentuhan si Juan at Doña Felicidad. "Ano ang iyong panaginip pala kanina, Juaquin? Tila'y takot na takot kanina. Sabi mo pa'y minumulto ka?" Nagtawanan ang mag ina. "Ah, eh.. Sinakop daw po tayo ng mga zombie" dahilan nito. 'Geez, 'yun lang alam 'kong excuse. Zombie apocalypse lang naman lagi 'yung mga mostly 'kong bangungot' "Zombie? Ano ang.. Zombie?" Tanong ni Doña Felicidad. "Bagong bansa ba 'yan?" Tanong ni Juan. "Ah, hindi ang zombie ay 'yung para silang mga katawan na patay na. Wala silang utak kaya naghahanap sila ng mga taong may utak at kakainin ito. Kapag nakagat ka ng zombie, magiging zombie ka narin." Paliwanag nito. Naguguluhan ang mag ina sa paliwanag ni Juaquin. "Isa silang nilalang na patay na at umahon mula sa lupa kung saan sila linibing. Nakakatakot ang mga mukha nila, ganun po" "Ah, parang multo ngunit may katawan? Ganoon?" Tanong ni Doña Felicidad. "Opo" "Nakakatakot nga kung sasakupin tayo ng mga tinatawag mong Zombie na iyan, kaya pala sumisigaw ka kanina" tumawa ng pilit si Juaquin, nakikisabay lang sa kapatid at Ina. "Asaan nga po pala si.. A-ama?" "Ah, nasa kanilang campo upang isagawa ang pagkikita nito dahil sa gulong nangyari da Cavite" Biglang napatigil sa pagkain si Juaquin at kinabahan. 'Gulong nangyari sa Cavite?' "Ang sabi ng Ama ay wala dapat tayong ipagkabahala. Lalo't pa'y nagsama ang kaniyang magigiting Heneral. Lahat raw ay magiging maayos" tumango si Doña Felicidad kay Juan. "Sino ang kaniyang magigiting na Heneral?" Tanong ni Juaquin. "Si Heneral Fuentes, Heneral Javier at Heneral Jacinto" isa lang ang kilala niya roon. "Si Heneral Fuentes." Bulong nito. "Oo ah- Natanggap mo ba ang inutos 'kong ipadala sa'yo kagabi? Ang iyong kakaibang kagamitan?" Tumango si Juaquin. "Opo" "Ano nga ba ang mga iyon?" "Ah.. ibinigay lang po sa akin ng isang kaibigan, maganda po kaya tinago 'ko" tumango ang Ina. "Maganda ang iyong ginawa, dapat ay pinahahalagahan natin ang mga regalo" Habang nagkumakain ay isang sundalo ang lumapit sa kanila. Ang sundalong kasama ni Juan kanina nang pumasok ito sa kuwarto ni Juaquin. "Doña Felicidad, Ginoong Juan.. ang kabayo ay handa na" sabi nito. "Sige salamat, oo nga pala anak.. Si Theodore Ortega, isa sa mga sundalo ng iyong ama" ngumiti si Quin sa sundalo na iyon. Nakita na niya ito sa campo ng mga Heneral, kagabi lamang. "Bilisan mo na ang pagkain Juan, para masamahan mo si Theodore buhatin ang hinanda 'kong mga regalo sa mga sundalo" "Ina-" "Ina, tapos na akong kumain. Ako nalang ang tutuloy kay mis- ginoong Theodore" sabi ni Juaquin. "Ayos lang ba ito sayo?" "Opo, asaan po ba?" "Oh, nasa kusina. Sige buhatin mo na at susunod kami" ngumiti si Juaquin at tumayo. Napatingin ito kay Juan na nakangiti sa kaniya. 'Eh? Bakit naka ngiti 'yun?' Sinamahan niya si Ortega sa pag buhat ng mga kahon sa likod ng kalesa. "So- ah, ikaw 'yung sundalo kagabi, diba? 'Yung marunong mag ingles?" Tanong ni Juaquin habang nag bububat. "Opo" "Ah, pwede 'wag kang mag opo? Like pakiramdam 'ko napaka tanda 'ko na para mag opo ka sakin" tumawa si Ortega at tumango. "Buti nalang marunong ka rin mag ingles, maiintindihan mo ako." "Ah, sa totoo lang.. kaunti lang ang alam 'ko sa lenguwahe na 'yun. Hindi naman kasi ako masiyado nakapag aral. Simple lang ang alam 'ko" tumango si Juaquin. "Y-yeah, I understand. Pero tanong lang, normal bang hindi mag aral ng ingles ngayon- este sa iba? Diba may ibang taong nakakapag salita at intindi ng Espanyol?" "Oo, pero ang Espanyol kasi ay para sa mga may pinag-aralan lamang o may kaya. May iba ring Pilipino na hindi marunong mag Espanyol, sa ingles naman ay bihira lang sa Pilipino ang aralin ito. Ikaw, nag aral ka ba ng ingles?" Ngumiti lang si Quin. "Ah hindi, mahilig lang ako sa libro. Doon ako natuto" pag sisinungaling nito. Kailangan niya maging friendly para mapabilis ang misyon niya, baka kasi sa mga kaibigan niya matagpuan ang hinahanap niya. "Alam mo ba kung saan kami pupunta ngayon?" "Hindi po ba nasabi sainyo ng iyong Ina?" Tanong ni Ortega. Umiling naman sa Juaquin. "Pupunta po kayo sa campo ni Kapitan Soleho para panoorin ang mga nagsasanay na mga sundalo." Napatigil si Juaquin dito. Hindi kaya pagsasanayin siya? Kinabahan agad siya. "Ayos ka lang? Parang naging yelo ka?" "Ako? Oo 'cause I'm cool" sabi nito tsaka bumalik at pagkalabas ay kasabay na nito ang Ina't kapatid. Nasa gitna nang magkapatid ang Ina nila. "Halika na Ortega" Sinimulan na ni Ortega ang pag takbo ng kabayo palabas ng hacienda. "Ina.." bulong ni Juaquin habang nakatitig sa magandang tanawin na dinadaanan nila. "Ano 'yun?" "Ano pong gagawin natin sa campo ng kapitan?" Tanong nito. "Oh, alam mo na pala. Balak sana kitang supresahin ngunit nalaman mo na." 'oh.. surprise pala 'to' "Ah.. nasabi lang po ni Theodore" "Pasensya na, Doña Felicidad. Masiyado pong maraming tanong ang iyong anak, bigla 'kong nasagot" natawa si Doña Felicidad. "Malalaman mo rin mamaya, ngunit sa ngayon ay kakamustahin natin ang mga nagsasanay na sundalo" napa tango si Juaquin. "Akala mo sasanayin kana, ano?" May halong asar na sabi ni Juan. "Kinabahan ka , siguro" "B-bakit naman ako kakabahan?" "Dahil akala mo sasanayin kana, eh hindi ka pa handa." Tumawa si Juan. "Ah.. h-hindi ha!" "Tigilan mo na ang iyong kapatid, Juan. Alam naman ni Juaquin na kung may bagay na gusto naming marating niya at hindi pa siya handa, hindi namin siya pipilitin o bibiglain." Napangiti si Juaquin sa Ina. 'Noon hanggang ngayon, napaka understanding mo parin mama' "Tignan mo Juaquin, may naalala ka ba sa hayop na 'yun?" Turo ni Juan sa kalabaw. Wala namang nasagot si Juaquin dahil wala itong alam. "H-ha?" "Nakalimutan mo na agad? Hindi ba't noon ay sumasakay ka diyan dahil bawal ka pa sumakay sa kabayo dahil tinatalunan mo?" Tumawa ang mag ina. Si Juaquin naman ay walang kamalay malay. "Weh?" 'Hindi 'ko alam na siraulo pala ang orihinal na Juaquin' "Nandito na tayo, Juan tulungan mo si Theodore. Juaquin, halika pumasok tayo" tumango si Juaquin at bumaba. Inalalayan nito ang Ina dahil ayon sa napag aralan nila, sa pag baba ng kalesa ay dapat inaalalayan ang mga kababaihan. Sign ito ng pagiging maginoo. "Salamat, halika na" sabi nito at sabay pumasok sa campo na may maraming sundalo. Nag bigay galang ito sa mag ina. 'Weird, akward' Hindi naman kasi sanay si Juaquin dito. "Kapitan, magandang umaga" bati ni Doña Felicidad sa wari ni Juaquin ay kasing edad lang ni Doña Felicidad. "Magandang umaga rin, Señora." Sabi ng Kapitan Soleho. "Magandang umaga rin saiyo, ginoong Juaquin" "Magandang umaga rin po." "O siya, nasa loob ang mga sinasanay. Hali'kayo" itinuro sa kanila ang daan. Pagkarating sa isang malawak na parte ng campo ay nagulat si Juaquin nang may mga bumati sa kaniya at ang iba ay inakbayan pa siya. "Kaibigan! Ang tagal nating hindi nag kita!" Sabi ng matangakad at may dimple na lalaki. "Juaquin! Kamusta na? May nobya kana ba?" "Juaquin namin! Kamusta kaibigan? Lalo kang guma-guwapo ha!" 'Okay... Sino sila?' "Oh anak, bakit mukhang hindi ka natutuwang makita ang iyong mga kaibigan?" 'So, kaibigan ni Juaquin the original ang mga 'to? Nice. May taste' "Oh! Yeah! What's up mga bro! Tagal nating hindi nagkita pare!" Bati ni Quin sa kanila. Naguluhan naman ang mga ito. "P-pare?" Pinag bulongan nila ang salitang pare ni Juaquin. "Ayos ah, anong lenguwahe 'yun?" "Ah.. ano, zombie" sabi ni Juaquin. "Z-zombie? Anong..." "Zombie, panaginip 'ko 'yun kanina. Zombie hehe, kamusta na mga pare?" "Pare? Anong pare, Juaquin?" "Pare, ano.. parang tawag 'yun sa magkakaibigan, tawagan ganun" 'Hirap pala dito, pati pare hindi pa naiimbento' "Ah, kung ganoon.. tayo pala'y pare?" "O-oo!" Tumawa ng pilit si Juaquin. "Asan na si Theodore? Sabik pa naman iyon makita ka muli." 'oh shii, don't tell me na kumapare din ni Juaquin the original 'yung Theodore na 'yun? Hala shet baka naweirduhan 'yun bakit parang hindi 'ko siya kilala kanina.' "Nasa  labas, tinutulungan ni Juan. Sige, Anak. Makipag usap ka muna sa iyong mga kaibigan. Alam 'kong sabik ka ring makipag kuwentuhan sa kanila" 'Hehehe, maaaa. Hindi 'ko alam mga pangalan nila.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD