“Here we are!” Masayang bulalas ni James. Nasa airport na sila noon at hinihintay nila ang pinsan ng binata na siyang susundo sa kanila para ihatid sila sa Condo ng kaibigan. “Wow! ang ganda po pala dito!” Bulalas naman ni Haffner. Inalalayan ito ni James sa paglalakad. “Sigurado akong mag eenjoy ka dito sa bakasyon mo baby.” Nakangiting pinisil ito ni James sa pisngi. “Ay opo! tapos mamaya nandito na si Daddy?” Tanong pa nito, hindi sila agad nakaimik ni James sa sinabi ng anak. “Mommy, kailan po natin makakasama si Daddy?” Tanong pa ng anak. “Ah–ano kasi, ano busy pa si Daddy sa work eh. Pero pupunta yun dito kapag hindi na siya busy.” Alanganing sagot niya. “Promise?” Huminto ito at napatingin sa kanya. “O-oo–oo naman!” Sagot niya. “Okay mommy!” Anito, saka ibinaling n

