“Kumusta na si baby?” Tanong ng kapapasok na si Hunter. May mga dala itong pagkain at inilapag ito sa table. “Okay naman na siya, wala na siyang lagnat. Pwede na tayo lumabas bukas.” Aniya. “Salamat naman kung ganun.” Nakangiting sabi nito saka ito lumapit sa natutulog na pamangkin at hinagkan ito sa noo. “Nagugutom ka na ba? Halika na, sabay na tayo kumain habang tulog pa si baby.” Sabi pa nito kaya napatingin siya dito. Inilabas ng binata ang mga dala nito kanina at inayos ang kanilang pagkain sa mesa. “Halika na.” Yaya nito sa kaniya. Alanganin pa siyang lumapit dito. “Come on, ayaw mo ba ako kasabay?” Tanong nito saka napatitig sa kanya ng mariin. “H-hindi..ano kakain na din ako.” Nauutal na sabi niya at lumapit sa binata. Nilagyan naman nito ng kanin at ulam ang ping

