Pupungas-pungas siyang nagising dahil sa narinig na harutan mula sa ibaba. Sarap na sarap pa naman siya sa pagtulog. Iginala niya ang tingin sa paligid, alas otso na pala ng umaga. Napatingin siya sa sarili. Nakadamit na siya. Ibig sabihin? “No!” Natampal niya ang noo. Ano ba kasing nangyari kagabi? Paano siya napunta dito sa malaking kama ni Hunter? Napapikit siya. “s**t!” Mura niya, kinagat niya ang pang ibabang labi. “God! bakit ko ba nagawa yun!” Naiinis na sinabunutan niya ang sarili. Ano na lang ang iisipin sa kanya ni Hunter ngayon? “Celeen! bakit ba hanggang ngayon, pagdating kay Hunter napaka hina mo!” Pinapagalitan niya ang sarili. Kahit tinatamad ay napilitan siyang bumangon mula sa pagkakahiga at dumiretso siya sa banyo. Kailangan muna niyang maligo dahil pa

