Inalalayan naman siya ni Hunter na makapasok sa loob ng sasakyan nito. Pero hindi niya maiwasan na huwag mainis dito dahil sa kagaspangan ng ugali nito. Nakita pa niya ang ginawa nitong pagsulyap sa kanya pero binalewala niya iyon. Napa Buntung-hininga na lang din ito bago nito pinaandar ang makina ng sasakyan at umalis na sila sa restaurant na iyon. Habang daan, wala silang imikan, ayaw niya itong kausapin saka wala naman siya sasabihin dito kaya napapikit na lang siya. “Look–I’m sorry!” Narinig niyang sabi nito. Pero nanatili parin siyang nakapikit. Manigas ka! Piping usal niya. “Hindi ko sinasadyang gawin yun.” Dagdag na sabi pa nito. Hindi sinadyang gawin yung kabastusan na yun? Really huh? “Please Celeen!” “Hayaan mo na, okay na. Tapos naman na eh!” Aniya, nagmulat siy

